Takeover Series (Basketball)
4 stories
Takeover 4: Crown the Kings (On-going) by RariroSensei
RariroSensei
  • WpView
    Reads 2,891
  • WpVote
    Votes 273
  • WpPart
    Parts 40
Labing-anim na koponan na lang ang natitira sa Grand Elimination-at sa yugtong ito, hindi na sapat ang galing lang. Para sa Sogid Basketball Team, kailangang magsakripisyo ng dugo't pawis sa bawat laban upang maabot ang kanilang pangarap: ang makapasok sa Finals. Ngunit hindi sila nag-iisa sa laban. Ang bawat koponan ay may kanya-kanyang layunin, pangarap, at determinasyong manalo. Sa gitna ng matinding kompetisyon, magagawa kaya ng Sogid Team na talunin ang mga kapwa nilang nangangarap? O sila mismo ang mapapatumba?
Takeover 3: Road to the Next Round (Completed) by RariroSensei
RariroSensei
  • WpView
    Reads 3,707
  • WpVote
    Votes 353
  • WpPart
    Parts 46
Matapos makapasok sa panghuling standing ng Regional Qualifiers, isang mas malaking hamon ang naghihintay sa Sogid Basketball Team-ang Grand Elimination, ang susunod na round. Upang mapanatili ang kanilang momentum at mapaunlad pa ang kanilang kakayahan, kailangang paghirapan nila ang bawat araw ng pagsasanay. Hindi man magiging madali ang laban sa susunod na round, ngunit handa ba silang harapin ang pinakamalalakas na kalaban upang maabot ang kanilang pangarap?
Takeover 2: Regional Qualifiers (Completed) by RariroSensei
RariroSensei
  • WpView
    Reads 4,414
  • WpVote
    Votes 368
  • WpPart
    Parts 47
Ang Sogid Basketball Team ay nagtagumpay sa torneo ng Sogid City, ngunit ang kanilang tagumpay ay simula pa lamang ng isang mas malaking hamon. Sa Earandel School Cup, kailangan nilang humarap sa pitong pinakamalalakas na koponan sa Regional Qualifiers mula sa buong rehiyon-mga manlalarong bihasa, malalakas na teams, at mga coach na puno ng diskarte. Upang manatili sa laban at maabot ang Top 4, kailangang pagtagumpayan ng Sogid Team ang matinding presyon at mga mapanghamong kalaban. Sa harap ng matitinding pagsubok, magtatagumpay kaya sila sa laban o tuluyang mapapabagsak? Tuklasin ang kanilang kwento ng determinasyon, pagkakaibigan, at pagsusumikap sa gitna ng matataas na pangarap.
Takeover 1: Rise of the Superstar (Completed) by RariroSensei
RariroSensei
  • WpView
    Reads 5,070
  • WpVote
    Votes 374
  • WpPart
    Parts 45
Si Norbel ay hindi pinanganak na mataas o may hindi pangkaraniwang talento sa basketball; sa katunayan, halos average lang ang kanyang shooting, finishing, defense at athleticism na siyang importante sa larangan ng basketball. Ngunit may angking galing siya sa pag-dribble at pagpapasa, at higit pa roon, mayroon siyang natatanging talas sa pagbabasa ng laro-isang kakayahang nagbibigay sa kanya ng kakaibang kalamangan sa court. Upang hindi matanggal ang basketball club, si Norbel at ang basketball team ay kailangan humarap sa mga pagsubok na tila imposibleng malagpasan.