elumagui
- Reads 117
- Votes 20
- Parts 20
Sa buhay ng tao, laging may dumarating na pagsubok-mga problemang kailangang harapin, gaano man kabigat.
At minsan, kailangan mong isantabi ang sarili mong mga pangarap.
Gaya ni Efs, na tumayong magulang para sa dalawa niyang kapatid na babae.
Ang pag-ibig niya kay Belen?
Pansamantala niyang kinalimutan... hindi dahil hindi mahalaga, kundi dahil inuuna niya ang pamilya sa gitna ng hirap ng buhay.
Hindi niya inalintana ang panlalait, pang-aalipusta, at masasakit na salita ng mga tao.
Tiniis niya ang lahat-para lang makatawid sa bawat araw.
Ngayon, inyong tunghayan ang kwento ni Efs:
ang kanyang pakikipagbuno sa buhay...
at ang pag-ibig na pilit niyang nilimot, pero kailanman ay hindi nawala-
ang pag-ibig niya kay Belen.