IceFontana18
- Reads 2,356
- Votes 160
- Parts 12
Haliya, ang nalalabing buwan, ay kinakailangan magbago ang katauhan para linlangin ang mga Diyos at para magkapagtago mula sa Tribu ng mga Bakunawa upang maisagawa niya ang tinatamasang paghihiganti.
- - - - - -
Excerpt:
Ang tunog ng mga tambol mula sa daan-daang tribu ng mga tao ay hindi sapat upang patahimikin ang pusong kumakabog.
"Ang bulan namon sang una, sang una," awit ng mga taong nakaabang sa paglabas ng bakunawa. Hawak ang mga mahal sa buhay, ang huling pakikipag-isa laban sa bakunawa ay kanilang inawit sa saliw ng hampas ng bawat alon at tambol.
Nakatayo sa tuktok ng Bundok Kanlaon si Haliya. Ang kanyang kamay ay nanginginig subalit mahigpit ang hawak niya sa kanyang sandata. Ang bigat ng bawat luha ay natatakpan ng kinang mula sa kanyang mga matang puno nang kasiguraduhan.
"Guin ka-on sang bakunawa."
Ang dating tahimik na karagatan ay unti-unting nahati nang lumabas mula sa pinakailalim na bahagi ng dagat ang isang kulay puting bakunawa.
"Malo-oy ka man, i-uli, i-uli."
Tila nagsanib ang himpapawid at karagatan nang lumabas ang bakunawa. Ang nanlilisik nitong mga mata ay nakatingin sa diyosang tahimik na umiiyak sa tuktok ng bundok habang nakadungaw sa asawang tuluyang nilamon nang kadiliman.
Isang malakas na hiyaw ang iginawad ng bakunawa kay Haliya bago umatake sa huling buwan ng mundo.
Nakapikit na itinaas ni Haliya ang kanyang sandata - ang sandatang ilang bakunawa na ang pinaslang. Hindi niya aakalain na magagamit niya ito laban sa lalaking nangakong makakasama siya habang-buhay.
"Korona sang amon hari," pagsabay ni Haliya sa kanta ng pagmamakaawa nang magpang-abot ang dalawang pusong talunan laban kay tadhana.
- - - - - --
Start: September 29, 2022
End:
An Original Novel
Book Cover: Bea Cortez