sellil_eve
- Reads 4,645
- Votes 195
- Parts 14
Hindi ko alam kung swerte ba o sumpa yung pagpasok ko sa mundo ng mga Romano.
Akala ko simpleng pamilya lang sila, elegante, mayaman, makapangyarihan. Pero habang tumatagal ako sa loob ng mansion na ito, unti-unti kong nararamdaman na may mali.
Masyado silang tahimik.
Masyadong perpekto.
At sa likod ng bawat ngiti nila, parang may tinatago silang hindi dapat mabunyag.
May mga pintong laging nakasara. Mga silid na bawal pasukin. Mga mata na laging nakamasid kahit akala mo mag-isa ka.
At minsan, sa kalagitnaan ng gabi, maririnig mo yung mga bulungan - mga pangalan, mga sikreto, at minsan... mga iyak.
Doon ko lang naintindihan na ang pamilya Romano, hindi lang basta mayaman o makapangyarihan.
May mas malalim pa silang dahilan kung bakit ganun kahigpit ang bawat kilos nila.
At sa pagpasok ko sa buhay nila, baka may mga bagay akong matutuklasan na mas mabuting hindi ko na lang nalaman.