akosipretus
"They say love makes you do crazy things. But for me, love is the reason I'm still sane... or at least, that's what I want to believe."
Sa mata ng iba, si Sandra Bonnie ay isang ordinaryong estudyante-tahimik, mabait, at laging nakangiti. Ngunit sa likod ng kanyang inosenteng mukha, may isang lihim siyang itinatago: isang matinding obsession sa lalaking matagal na niyang minamahal.
Hindi niya alam kung kailan ito nagsimula. Baka noong unang beses niya itong nakita. O baka noong una niyang napagtanto na hindi siya kailanman mapapansin... hindi, maliban na lang kung gagawa siya ng paraan.
Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting bumibigat ang kanyang nararamdaman. Mula sa simpleng pagsulyap, naging stalking. Mula sa pagkolekta ng litrato, naging pang-aalis ng sinumang hadlang sa kanila.
Hanggang kailan niya maitatago ang kanyang tunay na intensyon? At kapag nalaman ng taong mahal niya ang kanyang sikreto... mamamahalin pa rin ba siya? O matatakot ito hanggang sa tuluyan siyang iwan?
After all, in love and war, there are no rules. And she is willing to break them all.