BL STORIES MUST READSSSSSSSSS
6 stories
Beat Around the Bush (Love-Struck Series 1) by elyjindria
elyjindria
  • WpView
    Reads 3,106,762
  • WpVote
    Votes 103,586
  • WpPart
    Parts 90
(Love-Struck Series 1) COMPLETE Rhiatt De Roxas grew up in an overly religious family, and it was also instilled in his mind that homosexual relationships are considered a sin. When he heard that the most handsome man in their neighborhood, Evron Vance Gallegos, liked him, Rhiatt was disgusted beyond words. He began openly showing his hatred toward Evron and expressed his disgust for everything about him... but it turned out Evron didn't like him at all. And for some unknown reason, Rhiatt doesn't like the fact that he's not Evron's type. STARTED: March 29, 2025 FINISHED: July 5, 2025
Inutusan Ako ni Paps Bumili ng Itlog by KenTheLion
KenTheLion
  • WpView
    Reads 28,362
  • WpVote
    Votes 1,429
  • WpPart
    Parts 18
Nayanig ang mundo ni Crisostomo Molino III aka Tres nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng itlog sa tindahan bilang handa sa kaarawan ng butihing esposo nito. Naghihimutok dahil sa nawawala niyang underwear, hindi na niya napansin na may sumusunod sa kanyang kalalakihan, na kinalaunan ay piniringan siya't dinakip. Binitbit siya ng mga ito sa isang abandonadong gusali, at doon ay nakadaupang-palad niya ang iba pang mga tao na dinukot din ng sindikatong iyon. Bakas sa mukha ng mga ito na hinihintay na lamang nila ang araw na sila ang mapipiling chop-chopin at ibenta ang mga laman-loob sa mayayamang nangangailangan. Tanging ang ating bida lamang ang may kalooban upang ipaglaban ang kanyang buhay. At dahil ginalingan niya, siya'y nagtagumpay. Oops, hindi pala isang tagumpay na maituturing ang kanyang nakamit, sapagkat sa pagbukas ng pinto patungo sa kalayaan ay lalo lamang siyang nakulong sa sitwasyong talaga namang nakamamatay. Magiging boyfriend niya ang siraulong mangangatay-tao. Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng itlog? At ang mas malaking tanong, kaninong itlog ang pinakamalalamog?
The Bully Next Door (Next Door Series #2) by jvxrodriguez
jvxrodriguez
  • WpView
    Reads 228,399
  • WpVote
    Votes 6,546
  • WpPart
    Parts 36
Buo ang pagkatao ni Jaxon nang pumasok siya sa military academy. Ngunit nayanig ang paniniwala niyang hindi siya magkakagusto sa kapwa niya lalake nang makilala niya si Duke. Si Duke ang kinatatakutang bully sa campus. Matangkad, guwapo, at matikas. Ngunit nang dumating si Jaxon ay tila nawala ang kaniyang angas. Hanggang sa ang dating alitan ng dalawa ay unti-unting nauwi sa hindi inaasahan. Sa pagitan ng prinsipyo at dangal, may lugar nga ba ang dalawang pusong nagmamahal? At hanggang kailan kaya ito magtatagal?
The Playboy Next Door (Next Door Series #1) by jvxrodriguez
jvxrodriguez
  • WpView
    Reads 1,472,571
  • WpVote
    Votes 38,549
  • WpPart
    Parts 72
Nagulo ang tahimik na buhay ni Aaron nang isang gabi ay nagkamali ng pinasukang pinto si Pio, ang lalakeng gabi-gabi ay naririnig niyang may pinaiiyak na babae sa kabilang kuwarto. Sa halip kasi na sa apartment nito ito pumasok ay naligaw ito sa apartment niya. At sa puntong iyon ay tila nag-iba ang tingin nito sa kaniya. Hanggang sa nangyari ang bagay na ngayon niya lang naranasan buong buhay niya. Isa lamang ba si Aaron sa mga paiiyakin ni Pio sa kama? O higit pa rito ang tingin nito sa kaniya?
Stuck (A Short BL Story) by jvxrodriguez
jvxrodriguez
  • WpView
    Reads 15,706
  • WpVote
    Votes 432
  • WpPart
    Parts 5
One broken elevator. Two strangers inside. Three hours stuck. What could possibly go wrong?
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka by KenTheLion
KenTheLion
  • WpView
    Reads 221,931
  • WpVote
    Votes 10,423
  • WpPart
    Parts 42
Nayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbibilang ng sukli, nilapitan siya ng tatlong maskuladong kalalakihan at pwersahang ipinasok sa van. Binitbit siya ng mga ito sa mansyon ng mga Torente, kung saan siya napilitang makipaglaro kay Blaise (na may saltik) sa pag-aakalang kapag ginawa niya ito'y makakalaya na siya't makakabalik sa normal na buhay. Ginalingan niya pa man din. Sa kasamaang palad, pinalala lamang nito ang kanyang sitwasyon. Sa sukdulang galak ng mga magulang ni Blaise sa kanyang naging pagganap ay hindi na siya pinakawalan ng mga ito, para hindi na mawalan pa ng kalaro ang kanilang anak, para lagi itong masaya. Hindi sana magiging impyerno para kay Soso ang pagtira sa mansyon kung nanatili lang ang ugali ni Blaise noong una nilang paglalaro. Kaya lang, sa paglipas ng mga araw ay unti-unting lumabas ang sungay nito't hindi na laruan ang nilalaro, kundi mismong ang kanya nang kalaro. Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng suka? At ang mas malaking tanong, kamusta na kaya ang paksiw na niluluto ng kanyang ama gayong hindi na ito nalagyan pa ng karagdagang suka? ****