Bijanleona
Dawn of His Obsession
Description
Kailangan ba talagang bigyan ng paliwanag ang lahat ng bagay sa mundo?
Siguro.
Pati na rin ang pag-ibig... kung pag-ibig nga ba talaga ito.
Nag-aagaw ang liwanag at dilim.
At ako hindi ko masabi ang mga salitang dapat kong sabihin.
How could you ignore the life handed into you?
Should I ignore it?
Should I accept it?
Napakarami kong tanong na kinatatakutan ko ring sagutin.
Lalo na ngayong alam kong... gusto niya ako.
O mas tamang sabihin-kinukuha niya ako.
Tinezeller Colloz.
Sabi niya, he's in love with me.
Pero ramdam ko ang bulong ng isang itim na demonyo sa likod ng mga salita niya.
Obsession is not love.
Paano malalaman ng isang lalaking gumagapang sa dilim kung ano ang pag-ibig?
Paano niya nasasabing "love" ang pag-aangkin?
Ang pagtatago? Pagkakadena? Ang pagiging demanding?
At ang pilit na pag-utos kong sundin-na para bang mabuti iyon para sa 'kin?
He can't be serious.
He can't be human.
Dahil ngayong sumisikat ang unang liwanag...
Ako si Gwendolyn Mindalano.
At handa na akong tumakas sa kanya.