WLM ┃ recommendations
4 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,180,709
  • WpVote
    Votes 1,332,866
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Dating Alys Perez (PUBLISHED) by beeyotch
beeyotch
  • WpView
    Reads 48,707,200
  • WpVote
    Votes 802,269
  • WpPart
    Parts 54
(Seducing Drake Palma Book 2) "Hindi na ako magpapadala sa 'yo, Drake. You're just going to make me fall then smash me into pieces once again." It's been four years since Alys graduated from St. Claire's High. And by now, naka-move-on na siya mula sa first serious relationship niya no'ng high school. She now has a man who treats her like a princess, the man who has helped her pick up the pieces of her broken heart-si Tripp. Her feelings are secure and her life is full once again. Or so she thought. Ano ang gagawin niya ngayong siya naman ang hinahabol ng isang Drake Palma at hinihingan ng isa pang pagkakataon? Pilit iiwasan at tatakbuhan ni Alys si Drake. Pero masusubok ang kanyang tatag kung hanggang kailan niya mapaninindigan ang desisyon niyang to forget and let go of that once in a lifetime epic love.
Seducing Drake Palma (Stream on Viva One) by beeyotch
beeyotch
  • WpView
    Reads 85,660,443
  • WpVote
    Votes 1,579,007
  • WpPart
    Parts 63
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay na wala talaga siyang kahit anong experience. Ano ba naman ang alam niya sa pangse-seduce? At lalo na sa matalino, hot na hot, at super sungit na classmate pa niyang si Drake Palma?! Ah basta! Gagamitin niya ang lahat ng powers niya para maging "mission accomplished" sa challenge na ito. Hindi siya makapapayag na maging isa sa napakaraming babae sa school na naging brokenhearted dahil sa playboy na si Drake.
Rebirth as the General's Wife by amui314
amui314
  • WpView
    Reads 7,673,097
  • WpVote
    Votes 283,810
  • WpPart
    Parts 44
[Chen Ju Fen] The chrysanthemum fragrant blooms at dawn. At the age of 22, she died by the hands of her so-called husband and at the feet of her 'sworn' sister. Dying regretfully for wasting her life on a man who had thrown her away so easily like an used tissue, she opens her eyes to the familiar sight of her bedroom at the age of 16; it was exactly one year before she married him. Now she makes a choice: follow with the original story or take another route. NOT A TRANSLATION: this is my own humble story. All rights reserved. Do not plagiarize. Cover picture belongs to me while other photos used throughout the chapters do not, and I don't claim them. They belong to their rightful owners. Viewer's discretion is advised. Story contains usage of strong language, violence, and heavy sexual contents. Read at your own risk! Highest Rankings reached: #1 Novel #1 Revenge #1 Short story #1 Mature