totoymangyan
- Reads 518
- Votes 15
- Parts 20
Synopsis:
Gaano kapait ang unang pag-ibig?
Si Vianca, isang simpleng college girl na may matagal nang paghanga sa university varsity na si Jed. Matagal na siyang may nararamdaman sa lalaking ito. Hanggang sa nagtapos sila ng kolehiyo, ay may nararamdaman pa rin ito kay Jed.
Lumipas ang panahon, at ang lahat ay hindi nagbago, maliban na lang kay Vianca. Para kay Vianca, business is always a business. Noong una, ay wala siyang plano sa buhay niya kundi ang isipin ang kanyang kinahuhumalingang si Jed hanggang sa pumayag siya sa alok ng kanyang mga magulang na hawakan ang negosyo ng pamilya, ang subdivision na kinatitrikan ng bahay nila Jed.
Isang pangyayari ang di inaasahan sa buhay ni Jed, isinugod sa ospital ang ama ni Jed, at kailangan itong operahan sa lalong madaling panahon.
Agad binuksan ni Vianca ang kanyang kamay para sa pagtulong, ngunit, kapalit noo'y magpapakasal si Jed sa babae at bawal ang sideline, mahirap para kay Jed dahil siya ay may nobya, si Precious.
Anong kapalaran ang naghihintay sa kanila? Kaya bang iwan ni Jed ang minamahal para sa kaligtasan ng ama? Hanggang saan magtatagpo ang mga landas ng mga tauhang ito? Malalasap kaya ni Vianca ang tamis o ang pait ng unang pag-ibig?
ANG PAIT NG UNANG PAG-IBIG.
------Matanong lang kita, ikaw ba, ano ba ang stand mo sa issue na ito? Naging mapait ba ang una mong pag-mamahal? Dito mo malalaman kung bakit may mga taong sa una nilang pag-ibig, pait ang kanilang nararanasan. Maari ring ang PAG-MAMAHAL ay palitan ng PERA, at ang PERA ay maaring palitan ng PAG-MAMAHAL. Oh naguguluhan ka ano? Dito sa nobelang ito malalaman mo ang kasagutan.