fave book cause it touched a certain part of my soul
2 stories
Shots Amidst The Wild Boos (Achievers Series 2) by huescria
huescria
  • WpView
    Reads 944,432
  • WpVote
    Votes 21,352
  • WpPart
    Parts 54
Jam, a sister and daughter, became a volleyball athlete solely to support her financial education through its benefits. Alam niya kasing hindi afford ng mga magulang niya ang matrikula at gastos sa pagpapaaral sa kaniya. Wala siyang ibang goal kundi ang makatapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho, at magkaroon ng propesyon. She has already captured what she wants to become--and those shots will always be among her top priorities to fulfill, no matter what. She didn't know life outside was full of hues, until she met the five beautiful persons in her senior high school ride. Pwede naman palang sumaya kahit sobrang stressed na sa pag-aaral, pagod sa pag-aasikaso sa kapatid, paghuhugas ng plato, paglalaba kahit galing sa school at bago pumasok sa school, at pagtulong sa hikahos na mga magulang. Ang pinakaayaw niya lang, makakita ng taong nagsasayang ng tsansa at oportunidad sa buhay. Kawi Savral is one of those people who wastes opportunities and chances in life. Ang rason? Tinatamad. Imbes na mag-aral, nagbibisyo. Tambay lang. Bastos pang manalita, akala mo kung sino. Ni pangarap wala. He is the person who deserves the boos. But as we all knew, fate always has different plans. Is she willing to accept him? No. The question is, is he willing to accept her? Achievers Series 2 by huescria
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 44,545,891
  • WpVote
    Votes 1,381,161
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.