AkariSensei_
- Прочтений 2,123
- Голосов 77
- Частей 2
"Havencity Armada" ay isang mahinhin at mabait na babae na may mapait na nakaraan. Lumaki siya sa puder ng kanyang Lola at Lolo, pinalaki sa isang relihiyoso at disiplinadong pamumuhay. Sa simula, tinanggap niya ito bilang tama at banal, ngunit habang siya'y tumatanda, unti-unti niyang nararamdaman ang bigat, ang pakiramdam na tila sinasakal na siya.
Dumating siya sa puntong napatanong siya sa sarili kung para ba talaga sa Diyos ang kanilang paglilingkod, o kung ito'y unti-unti nang nagiging para sa imahe at paningin ng ibang tao.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, ang lalaking matagal niya lamang binabalewala, isang lalaking kilala bilang tambay at ulila, at walang patutunguhan ang buhay, ang magiging dahilan ng unti-unting pagbabago ng kanyang pananaw sa buhay. Sa pamamagitan nito, marerealize ni Havencity na hindi pala sinusukat ng Diyos ang kabanalan sa dami ng simba o sa panlabas na anyo ng pananampalataya, kundi sa kakayahang magmahal, umunawa, at tanggapin Siya bilang Ama at tagapagligtas.
Art cover made by: Me シ
Date Created: Dec 12, 2025
Date Finished: