mheirocks23's Reading List
3 stories
Huli & Una by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 27,023
  • WpVote
    Votes 1,750
  • WpPart
    Parts 1
Ang sabi ng karamihan, mas malapit sa iyo ang isang tao, mas madalas na nababalewala mo ang mga nararamdaman nito. Ang mga itinatagong nararamdaman ay hahayaan na lamang na mawala hanggang sa alaala na lamang ang mag-uugnay sa inyong dalawa at tanging panghihinayang ang matitira. Ang maikling kuwentong ito ay tumutukoy sa mga tauhan na ito ang sinapit. Sabay nilang itatanong sa kanilang mga sarili kung ano ang kahihinatnan kung siya ba ang unang minahal . . . at kung siya ang huling mamahalin.
A Miracle (Published) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 926,443
  • WpVote
    Votes 21,145
  • WpPart
    Parts 20
Nais ni Nathan na makilala ang lugar ng kanilang bagong tirahan, ngunit di niya akalain na makikilala niya ito sa isang kakaibang paraan-ang literal na mahulog sa kanya si Mary mula sa pagkakatalon sa puno, isang babaeng madalas mapagkamalang multo sa kanilang lugar. Ngunit sa likod ng malaporselanang balat, malamanikang ayos, at kakaibang pananaw ni Mary, nakukutuban ni Nathan ang nakaraan at mga nararamdaman na pilit nitong itinatago. Sa kagustuhan niyang pag-aralan at makilala ang babaeng nagwasak ng kanyang ideolohiya sa pag-uugali ng mga tao, hindi niya napapansin ang unti-unting malahimalang pagbabago na ginagawa nito sa kanya. Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2014 (translated in English). Now available in bookstores nationwide.
Lost and Found by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 304,486
  • WpVote
    Votes 13,232
  • WpPart
    Parts 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang makita niyang wala ang litrato sa wallet ang nag-umpisa ng pag-iiba ng kanyang mga araw at ang paghahanap ng isang bagay na si Theo lamang ang makapagbibigay. Hindi maganda ang nakaraan ni Theo -- na-late siya ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente at nawala ang tsansa niya sa taong matagal na niyang gusto. Kaya nang matagpuan niya ang wallet ni Tasha at mapagbintangan siyang itinago ang litrato nito, alam ni Theo na may pagkakataon pa siyang mag-umpisa ng bagong kabanata na si Tasha naman ang kasama. Dalawang taong nawalan, dalawang taong may nahanap. Kung sabay ba nilang tutuklasin ang mundo ng pag-ibig na ngayon pa lang nila mararanasan, sabay rin ba silang mawawala?