Michielokim: Published Works Via Paperback
5 stories
Everything Your Heart Desires [To Be Published Under 8Letters] by Michielokim
Everything Your Heart Desires [To Be Published Under 8Letters]
Michielokim
  • Reads 469
  • Votes 39
  • Parts 13
GUILLERMO OUTCASTS #1 8L NOVELLA WRITING MONTH ENTRY As she aspires to achieve the additional portion of her career, a successful woman asks her music idol for an unusual favor: pretending to be her fiancé in order to win her dream job, despite her strong objections to marriage. Unbeknownst to her, this choice might compromise her strongly held beliefs. 10-30-24 11-25-24
The Elusive Charmer [Published Under 8Letters] by Michielokim
The Elusive Charmer [Published Under 8Letters]
Michielokim
  • Reads 246
  • Votes 38
  • Parts 13
#8lettersRomCom June Writing Challenge Entry *** The elusive-Rocher, seemed like an ordinary person by day. But when the night comes, she worked undercover, luring notorious gamblers to catch them in the act. Tinatago ang kanyang identity kung kinakailangan. Pero nagbago ang lahat nang dumating ang isang misyon na kailangan niyang gawin-mag-participate sa isang high-stake billiards game para ma-expose ang isang mapanlinlang na negosyante na sangkot din sa ilegal na gawain, partikular na ang human trafficking. Meanwhile, the charmer- JL, once a professional pool player, was forced to retire due to an injury and now relies on gambling for income. Iilan lamang ang nakakaalam na siya rin pala ay isang runaway heir, na tumakas para iwasan ang kanyang mga responsibilidad at sundan ang kanyang passion sa sports. He crossed paths with Rocher when she placed a bet on him on a money game, and an unexpected connection sparked between them. Though he uncovered her secret and questioned her motives, he didn't pose a threat; instead, he found himself falling for her. Siya pa mismo ang gumawa ng paraan upang mas makilala ito sa kabila ng pagiging mailap. But everything will change with some unwanted secrets that will emerge, both connected to Rocher and JL, especially their pasts. Ang mga sikretong ito ay maaring sisira sa kanilang ugnayan, pati na rin sa mga importanteng tao sa kanilang mga buhay.
Beautiful Like Yngrid (Published Under 8Letters) by Michielokim
Beautiful Like Yngrid (Published Under 8Letters)
Michielokim
  • Reads 65
  • Votes 8
  • Parts 7
1973 noong magtagpo ang landas nina Yngrid at Bernadette nang pumasok ang dalawa sa iisang pampublikong High School. Si Yngrid ay mayaman at anak ng isang high ranking official, na binansagang "pretty privileged", "talk of the town", dahil sa hindi maikakailang special treatment sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil na rin sa reputasyon ng kanyang mga magulang at sa likas niyang ganda. Habang si Bernadette naman ay galing sa mahirap na pamilya at kilala bilang isang matapang na babae at walang modo at isinumpa ng mga tao na walang mararating sa buhay dahil daig pa niya ang mga lalaki sa pagiging basagulero. Sa pagtatagpo ng kanilang landas, napagtanto ni Bernadette na naiinggit din pala siya kay Yngrid dahil sa katangian nitong taglay kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan upang mapalapit sa dalaga. Sa makatuwid, balak lang talaga niya na gayahin ito. Hindi naman naging hadlang ang magkaibang antas ng kanilang pamumuhay at pagkakaiba ng ugali para magkasundo at kalauna'y maging matalik na magkaibigan kahit sa simula ay puno ng bangayan ang kanilang pagsasama. Hindi nagtagal, kapwa nila minahal ang isa't isa ngunit pinanatili nilang lihim ang mga damdamin dahil sa mapanghusgang tao sa paligid.
Parol Ng Pag-ibig [Finished] by Michielokim
Parol Ng Pag-ibig [Finished]
Michielokim
  • Reads 73
  • Votes 7
  • Parts 4
Si Lydia ay isang apathetic na guro sa elementarya na hindi nakakaranas ng pagkakaroon ng kasintahan. Nakatuon siya sa pagpapalawak ng kanyang karera sa pagtuturo dahil gusto niyang kalimutan ang kanyang kalungkutan nang pumanaw ang kanyang ina sa pananakop ng mga Hapones, dalawampung taon na ang nakararaan. At simula ng trahedyang iyon, hindi na siya nagdiriwang ng pasko. Nang makabalik siya sa kanyang bayan sa Maynila, nagsimula siyang sumali sa environmental project para sa kanyang karera at nagsimula rin siyang maging guro sa High School. Nakilala niya ang isang lalaki na nagpakilos sa kanyang puso sa isang iglap na ang pangalan ay Adolfo. Siya ay isang matalinong tao na may mga ideya na batid nito na kaunti lang ang magpapahalaga at ang katangian ng binata ay itinuring ni Lydia na talagang kaakit-akit. Nang sa wakas ay nagkita na silang dalawa at nagsimula bilang magkatrabaho, medyo nalito si Lydia sa sariling damdamin at inisip na umiibig na siya. Nang mapagtanto ang kanyang damdamin, nakatanggap siya ng balita na titigil na sa pagtuturo si Adolfo at magpo-focus na bilang kalahok sa pangangalaga ng Kalikasan sa kanilang bansa at nagsimulang hindi pansinin si Lydia. Sinubukan niyang mag-iwan ng sulat ng pag-amin ng kanyang damdamin ngunit nabigo siyang ipaabot iyon. Lingid sa kanyang kaalaman, may lihim din palang pagtingin si Adolfo sa kanya ngunit huli na yata ang lahat dahil naputol na ang kanilang komunikasyon nang hindi man lang sila nagkaintindihan.
ANGEL HEART (Published Under FPH) by Michielokim
ANGEL HEART (Published Under FPH)
Michielokim
  • Reads 71
  • Votes 5
  • Parts 1
Sa loob ng mahigit limang taon na 'in a relationship' si Elisa Nantes sa boyfriend niyang si Terrence, inakala ng marami na perpekto ang kanilang relasyon. Maraming naiinggit sa kanya dahil lahat na yata ng qualities ng isang ideal boyfriend ay napunta kay Terrence. Pero sa kabila nito, hindi siya naging masaya. Unti-unti niyang nalalaman ang totoong kulay ng kanyang nobyo at kinaiinisan niya ito sa pagiging over protective at laging pinakikialaman ang mga bagay na gusto niyang gawin. Botong boto ang kanyang pamilya at mga kaibigan para pakasalan si Terrence, pero umabot siya sa punto na halos sukuan na niya ang ugali nito. Hindi niya makita si Terrence bilang asawa na mamahalin niya habambuhay at napagpasyahan niyang makipag-cool off sa binata. Habang nasa cool off stage si Lisa, kailangan niyang hanapin ang dahilan para makumbinsi ang sarili kung dapat pa niyang ipagpatuloy ang relasyon sa nobyo. Pero sa di inaasahang pangyayari, iba ang mahahanap niya, walang iba kundi isang pag-ibig na magpapabago ng kanyang point of view sa buhay.