Historical fantasy
13 stories
Te amo, Heneral (ANG UNANG SERYE) by Kieyoyo
Kieyoyo
  • WpView
    Reads 143,499
  • WpVote
    Votes 6,318
  • WpPart
    Parts 35
[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada na ang nakalipas, ang taon kung saan isang magiting na batang Heneral ang papasok saaking buhay. Former title : Aparador ni Sammy Date started: April 12, 2020 Date Finished: July 17, 2020
Until Our Next Penumbra [The Watty's 2025 Shortlist] by Rhopalocera30
Rhopalocera30
  • WpView
    Reads 7,099
  • WpVote
    Votes 2,038
  • WpPart
    Parts 51
[The Watty's 2025 Shortlist] Sa mundo ng agham at prediksyon, si Felicity Valerio ay isang meteorologist. Alam niya kung kailan uulan, kung gaano kalakas ang hangin, at kung kailan darating ang bagyo. Ngunit isang bagay ang hindi niya kailanman makita, ang kanyang sariling kapalaran. Siya ang ikalabing-isang babaeng isinilang sa kanilang angkan, at ang tadhana ay itinakdang malalaman sa kanya kung ang sumpa ng kanilang pamilya ay tuluyan nang naputol o patuloy pa ring maghahari sa susunod na henerasyon. Sa loob ng maraming siglo, ipinagkait sa kanyang lahi ang wagas na pag-ibig, isang sumpa na nagtatali sa kanilang puso sa kapahamakan. Ngunit bakit? Ano ang dahilan? Nagsimula siyang maghanap ng sagot, at lahat ng palatandaan ay nagtuturo sa isang pambihirang pangyayari sa langit-ang lunar eclipse. Ano ang koneksyon nito sa kanyang buhay? May kinalaman ba ito sa pagkawala ng kanyang ina, na tila may hawak ng susi sa kanyang kapalaran? Sa kanyang paghahanap, haharapin niya ang isang matinding pagsubok. Kailangan ba niyang bumalik sa nakaraan upang itama ang kasalukuyan? O sapat na bang maghintay, at tanggapin ang hindi na mababago? Sa kanyang paglalakbay, makikilala niya ang isang pag-ibig na bahagi ng kanyang kapalaran, maaaring magligtas sa kanya, o lalo siyang magpatali sa sumpang hindi matatakasan. Ito ang kuwento ng isang babaeng haharap sa pinakamalalim na misteryo ng kanyang pamilya, ng isang sumpang bumabalot sa pag-ibig, at ng isang kapalarang itinakda sa ilalim ng anino ng eclipse.
Captivated by the Antagonist's Heart |✓ by Imfallenstar
Imfallenstar
  • WpView
    Reads 14,814
  • WpVote
    Votes 588
  • WpPart
    Parts 42
New Historical fiction! Paano kaya haharapin ni Jeyda ang nakukubling hiwaga ng libro? Ano kaya ang mangyayari kung magising siya sa katayuan ng bidang babae sa kuwento? Lalo na kapag nalaman niya ang magiging kapalaran nito sa dulo. Sa pilit niyang pagbago sa mga kapalarang nakatakda sa kuwento, ay mapapalapit siya sa mundo ng mga kontrabida. Posible kayang mabuhay ang pag-ibig sa puso ng isang masama? Gaano ba makapangyarihan ang pag-ibig? Sapat kaya ito upang mapalitan ng liwanag ang dating kasamaan.
Binibining Teresita (Complete) by moonlightscrawls
moonlightscrawls
  • WpView
    Reads 15,249
  • WpVote
    Votes 652
  • WpPart
    Parts 20
Hindi mahilig si Therese Sanchez sa pagbabasa nang mga nobela. Most especially sa mga Filipino novels na nag se-set sa historical Philippines. Aside sa hindi siya ganoon kagaling mag tagalog, she's much more inclined to read books about her profession which was stringent one. Ang pagbabasa as far as she was concerned was a hobby of her best friend - whom sinusuportahan naman niya every single time na nag aaya itong pumunta sa mga book signing. Ngunit isang araw, by fate or by magic, nakapasok siya sa librong napupusuan nang kaibigan niya. Hindi naman siya nag iisa sapagkat may mga kasama siyang nakapasok din. Ngunit paano ba makakasurvive si Therese? Hindi nga niya kabisado ang estorya and to make matters worse, her archnemesis, Daniel was pulled in with her. What can a girl do in this situation? - completed.
Thesis: Inlove With The Indigenous by TF_Knams
TF_Knams
  • WpView
    Reads 34,671
  • WpVote
    Votes 2,248
  • WpPart
    Parts 105
----[completed]--- #romance#fantasy#generalfiction Si Merry Kaila. Nag-aaral sa isang university ng kolehiyo bilang isang FORESTRY student. Naatasan siyang gumawa ng isang research paper patungkol sa mga Indigenous People. Kailangan niyang humanap nang isang lugar ng tribo na hindi pa nasasakop ng modernisasyon. Posible nga bang may natitira pang virgin tribe ngayon? Well, dahil sa kapalaran niyang masilayan ang tribong hinahanap...aksidente siyang maiinlove sa isang Indigenous. Aksidente nga ba? O sadyang ito ang kapalaran niya? Pero paano kung hindi siya nababagay sa ganitong mundo. Malayo at magkaiba sa buhay na kinagisnan nila pareho. Darating kaya ang pagkakataon na muling mag-krus ang landas nila sa ibang pagkakataon. At sa ibang sitwasyon?
Bottled Traveler by yourlin
yourlin
  • WpView
    Reads 1,605
  • WpVote
    Votes 92
  • WpPart
    Parts 22
Si Melody ay naipit sa pagitan ng buhay at kamatayan. Sa madaling salita, hindi siya buhay ngunit hindi rin siya patay. Nakulong siya sa isang bote at tanging ang kanyang Master lamang ang makapagpapalabas sa kanya. Upang makaalis sa ganitong sitwasyon, kailangan niyang tuparin ang tatlong kahilingan ng kanyang Master. Subalit may kondisyon; bawal humiling ng buhay, pag-ibig, at kamatayan. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, mahanap niya kaya ang tunay na kahulugan ng kondisyong ibinigay sa kanya o magamit lamang siya ng kanyang master sa kasakiman? (November 26, 2025 to on-going.)
It Started At 7:45 by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 265,367
  • WpVote
    Votes 10,958
  • WpPart
    Parts 51
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam mo bang napakaespesyal ng kuwintas na iyan?... Ang sabi ay maaari kang dalhin ng kuwintas na iyan sa kung saan mo gusto. Basta i-set mo sa oras na gusto mo tsaka mo iisipin kung saan mo gustong pumunta." seryosong sabi ni Ma'am Glenda sa kanya. Tinawanan niya lang ito dahil sa tingin niya ay nababaliw na ito. Hindi naman totoo ang time travel pero dahil malakas ang trip niya ay sinubukan niyang gawin ang sinabi nito. She set the time of the pendant clock at the time of 7:45pm then she whisper the year 1889. Ang akala niya noong una ay hindi totoo ang time travelling pero laking gulat niya dahil napunta siya sa taong 1889 kung saan panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas! May nakilala pa siyang binata na ang pangalan ay Gabriel Realonzo. Hindi niya malaman kung paano pa siya makakabalik sa tunay niyang panahon at hindi rin niya malaman kung bakit sa bawat araw na nakakasama niya ang binata ay parang unti-unting may bumubuong espesyal na damdamin dito sa puso niya. Makakabalik pa kaya siya sa panahon kung saan siya isinilang? Rank #8:(01/06/2018) Rank #15:(01/01/2018) Rank #15:(12/26/2017) Rank #19:(11/17/2017) in Historical Fiction Date Started: October 08, 2017 Date Finished: April 24, 2018
Una Vez en Diciembre by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 33,846
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 48
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makikilala niya ang isang napakasungit na binatang nagngangalang Manuel Saenz. Okay naman kay Seraphim na tumira sa masungit na nilalang na ito kaso napapansin niya na kung dati naii-stress siya sa pagiging masungit nito ngunit ngayon ay hindi na. Ayos lang sa kanya na magsungit ito basta kasama lang niya. Nalintikan na. Mukhang pati rin yata siya nagiging abnormal na dahil sa masungit na lalaking ito.
A Scientist's Mistake (Season 2) by LadyWhiteeSwann
LadyWhiteeSwann
  • WpView
    Reads 1,257
  • WpVote
    Votes 68
  • WpPart
    Parts 5
Pagkatapos bumalik ni Clarisse sa panahon niya ay binabagabag parin siya ng kaniyang puso dahil sa nangyari kay Heneral Fernando. Dahil sa kaniyang pangungulila ay babalik siya ulit sa panahon ni Heneral, sa pagkakataon na ito ay gusto niyang baguhin ang kapalaran ni Fernando at tuluyang burahin siya nito sa kaniyang ala-ala.
The Phantom In My Dreams by Pormecaso26
Pormecaso26
  • WpView
    Reads 58,226
  • WpVote
    Votes 1,701
  • WpPart
    Parts 24
Revising | Historical Si Celestina Aniel Rivera ay naulila na sa edad na 22, nang mamatay ang kan'yang lola ay siya ang nag-mana ng malaki ngunit lumang bahay at lupa nito sa isang malayong probinsya. Nang marating niya ang pamana ng kan'yang lola ay kakaiba ang naramdaman niya sa bahay na iyon, isang kakaibang enerhiya na siyang babago sa kan'yang buhay at pagkatao. Tuwing gabi ay isang misteryosong lalaki ang dumadalaw sa kan'yang panaginip at humihingi ng tulong. Hanggang sa isang araw, bigla na lamang siya kinuha ng nakaraang panahon. Mararanasan niya ang buhay na kailanman ay hindi niya naisip maranasan.