euphoric_apricity
- Reads 136
- Votes 32
- Parts 17
We meet people for different reasons. Kung totoo ang Red String Theory, siguro marami ng taong in-love at nakahanap na ng taong para sa kanila. But how can you say na ang hinahanap mo ay tama na para sa iyo? Kailangan mo bang i-interviewhin at i-make sure na White ang favorite color niya? Kailangan mo bang ipagluto siya ng Sinigang para malamang Adobo lang pala ang gusto niyang makitang nakahain sa lamesa? O kailangan mo pa ba siyang layuan at awayin para lang mapansin ka niya?
Para kay Kishael Railie Vinuenzo na isang consistent honor student, ang love ay hindi matatagpuan sa crowded street. Minsan pwede mong mahanap iyon sa tapat ng bahay mo, sa tapat ng upuan mo, o kaya nasa tapat mo na.
Si Miguel naman, never siyang naniniwala diyan. Ano nga ba ang love? Nakakain ba 'yon? Iyon ba 'yong nakakasabay mong umuwi? 'Yong binabatuhan mo ng papel para lang makausap? O 'yon ba 'yong babae na makakapagpa-realize sa 'yo na panalo ka na sa lahat kapag nakuha mo siya?
Kung si Dennver naman ang tatanungin, isa lang ang maisasagot niya-nasa tabi mo lang. Madali para sakaniya ang makahanap ng pag-ibig kung puno ka nito. Alam mo kung ano ang hahanapin, alam mo kung saan. Kung maraming tao ang nahihirapang makahanap ng pagmamahal, maraming hindi nakakakilala rito. Kasi hindi naman mahirap maramdaman, lalo na kung lagi mong pinagmamasdan.
Pero kung ikaw si Kira, anong pagmamahal ang gusto mong maramdaman?