Second RDL
128 stories
Ziya | GL [COMPLETED] by Redbernwolf
Redbernwolf
  • WpView
    Reads 6,096
  • WpVote
    Votes 1,098
  • WpPart
    Parts 33
May mali sa school nila. Isa-isang may namamatay. Walang suspect at ebidensya. Walang sagot. Pero lahat nagsisimulang magtanong. Sino ang killer? At bakit parang laging may mali sa mga alaala ni Ziya? Minsan, may mga boses na hindi niya mapatahimik. Minsan, may mga pangyayaring hindi niya maalala kung nangyari ba talaga o hindi. Sa gitna ng takot at mga lihim, dalawang tao ang patuloy na lumalapit sa kanya. Isa na tila handang ipaglaban siya. Isa na parang may tinatagong katotohanan. Pero habang lumalala ang mga nangyayaring krimen, isang tanong ang hindi niya maiwasang harapin. Kung hindi niya na mapagkakatiwalaan ang sarili niyang isip... Sino pa ang paniniwalaan niya? Date Started: July 13, 2024 Date Ended: July 31, 2025
DWARVES: The Lost Page of the Book  by Itz_Pirm
Itz_Pirm
  • WpView
    Reads 1,829
  • WpVote
    Votes 166
  • WpPart
    Parts 21
Kalahating bampira at kalahating duwende. Paano nga ba nagsimula ang lahat? Nakatanim na sa isip niya na siya ay isang bampira at hindi duwende sa kadahilanang ayaw ng mga kauri niyang duwende sa kanya at tanggap naman siya ng mga kauring bampira. Alam niyang kahit ano man ang gawin niya ay hindi pa rin niya maitatangging may dugo siyang duwende. Paano kung mabigyan siya ng responsibilidad? Responsibilidad na may malaking kinalaman sa mga duwende? Sa tulong ng isang libro ay maisasalba ang buong kauri niyang duwende pero paano kung ang librong iyon ay may kulang? Ano na ang mangyayari sa kanila? Mabubuo pa kaya ng ating bida ang libro para mailigtas ang kauri niyang duwende? A novel written by PerfectionInRedzMystery All Rights Reserved
Ang Mahiwagang Lihim by NexStoriesOfficial
NexStoriesOfficial
  • WpView
    Reads 12,118
  • WpVote
    Votes 958
  • WpPart
    Parts 154
📜Isang Kwento sa Mundo ng NexMythos. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng mga pusong handang masugatan - upang buuin muli ang dakilang pag-ibig ng sansinukob. At sa pagkinang ng mga bituin... at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay - hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang dilim ay patuloy na naglalakbay... at ang liwanag ay muling magtatanong: "Handa ka na bang tuklasin ang mahiwagang lihim?" Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan!🔥 #NexMythos #Fantasy #MultiverseFiction #FilipinoFantasy
LEGENDARIUM|| 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗|| #Wattys2022 by VexaniVweusky
VexaniVweusky
  • WpView
    Reads 3,934
  • WpVote
    Votes 176
  • WpPart
    Parts 38
𝗟𝗘𝗚𝗘𝗡𝗗𝗜𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗟𝗢𝗚𝗬 𝗦𝗘𝗖𝗢𝗡𝗗 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗠𝗘𝗡𝗧 Hindi na mapipigilan ang kadiliman, Ngunit patuloy parin ang paglaban ng lakan. Siya ang nakatakda na tumapos ng digmaan, Ngunit siya rin ang dahilan ng simula-- Kapangyarihan laban sa kapangyarihan, Kaya bang tanggapin ng sangkatauhan ang katotohanan? Nasa sukdulan na ang kalangitan, Mananalo nga ba ang langit o ang kariktan? WATTYS2022 SHORTLIST Date Started: July 24, 2022 Date Ended:Aug 3, 2022
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED] by MaiFallenHeart
MaiFallenHeart
  • WpView
    Reads 7,128
  • WpVote
    Votes 321
  • WpPart
    Parts 50
Maligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libro. Alexandre'y gustong magtayo ng panibagong kaharian. Anong idudulot kabutihan o kasamaan. Apat na magkakaibigan ay siyang tutulong, ngunit hindi ito ang kanilang gusto. Mag aaway pa rin ba sa gitna ng laro? Ang libro'y nangangailangan ng tulong. Ang kanilang mundo'y nasa bingit ng kapahamakan. Handa ka bang tumulong? Papaano kung ikaw nalang ang maaring pag-asa? Anong papairalin, tapang o takot? Talasan ang pandinig, lawakan ang pag iisip, paganahin ang utak, linawan ang mga mata. Ika'y mag tiwala, sa kakamping iyong magiging sandalan. Isipin ang mga desisyon. Sa mundong ito'y walang sukuan. Bawal ang duwag. Sa oras na makapasok ka, ika'y walang takas. Tapusin ang laro at ika'y makakalabas. Muli, maligayang pagdating sa Luminus.
Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series ) by GinoongWriter
GinoongWriter
  • WpView
    Reads 38,516
  • WpVote
    Votes 1,021
  • WpPart
    Parts 46
" Mangingibabaw man ang unang pag-ibig, matatabunan parin ito ng tunay na pagmamahal." . . Sa mundo ng pag-ibig, di akalain ni Sebastian Navarro na magugunaw ang kanyang binuong mundo. Sobrang nagdadalamhati ang binata sa pagkawala ng kanyang sinasambang sinisinta. Nalusaw ang dating maaliwalas na kulay ng kanyang mukha. Na ang mga pangarap biglang naglaho. At ang mga binitawang mga pangako ngayo'y naging pako. . "Di ka man lang nagpaalam sinta. Paano na ako ngayong wala ka na?" . Sa kanyang pagkalugmok sa kalungkutan, muling nagparamdam ang binibining babago sa kanyang pananaw tungkol sa pag-ibig. Siya yung tipong akala mo mahinhin pero di mo akalaing walang sasantuhin.. Siya na kaya ang babago sa Patay na buhay na si Baste? .... Hola! Ang mga tauhan, lugar at mg pangyayari sa kwentong ito ay kathang isip lamang.
Panaghoy Sa Undas by RamApostol05
RamApostol05
  • WpView
    Reads 1,090
  • WpVote
    Votes 136
  • WpPart
    Parts 14
Umiiyak ang mga kaluluwa kapag umuulan tuwing todos los santos. Ito ang sabi ni lola Lucing kay Issa. Mga kaluluwa ng mga taong may hindi natapos gawin noong sila ay nabubuhay. Mga kaluluwang hindi matahimik at patuloy na sumisigaw ng hustisya para sa karumal-dumal nilang pagkamatay. Araw ng mga patay nang dumalaw si Issa at ang kanyang abuela sa puntod ng kanyang yumaong abuelo. Madilim ang langit at umuulan. Maya-maya, nakarinig si Issa ng pag-iyak ng isang babae. Pag-iyak na tila nanunuot sa kanyang kalamnan. Pag-iyak na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa. Panaghoy kaya ito ng isang kaluluwang hindi matahimik? 💀
Gutom na Kaluluwa by AlvinLauran
AlvinLauran
  • WpView
    Reads 367
  • WpVote
    Votes 43
  • WpPart
    Parts 40
Sa isang maralitang bahagi ng Maynila, kung saan ang kahirapan at kagutuman ay tila mga multong hindi naaalis, isang kakaibang nilalang ang nagsisimula ng kanyang panghahasik ng lagim. Si Aling Rosa, isang matandang nagtitinda ng kakanin, ay makakatagpo ng isang batang may pulang mata at maputlang balat na tila gutom na gutom sa kaluluwa ng mga buhay. Habang sinusubukan ni Aling Rosa na malaman ang pinagmulan at layunin ng batang ito, malalaman niya ang isang madilim na sikreto na nag-uugat sa kasaysayan ng lugar nila. Kailangan niyang labanan ang takot, harapin ang mga espiritu ng nakaraan, at hanapin ang paraan upang mapawi ang gutom ng bata bago pa tuluyang lamunin ng kadiliman ang kanilang komunidad.
Dapit-hapon (#Wattys2016 Winner) by Kyrian18
Kyrian18
  • WpView
    Reads 67,664
  • WpVote
    Votes 2,165
  • WpPart
    Parts 19
🖤 PNY Novel Writing Contest Champion 🖤 Wattys2016 Winner Nang mabalitaan ni Yllaine Lumakin ang pagkamatay ng kaniyang lola sa tuhod, sinira niya ang pangako nitong kailanman ay hinding-hindi na magbabalik pa. Mistulang dapit-hapon na malapit nang yayakapin ng kadiliman, pag-asa'y lulubog at katotohana'y lulutang. Kakayanin kaya niya ang lahat sa likod nang pagsuway ng isang babala? © Kyrian18 |Pinoy Fantasy| Mystery| PNY Novel writing Contest Champion | #PNYBattle
CARALINA ✅ by cactushoney
cactushoney
  • WpView
    Reads 70,765
  • WpVote
    Votes 2,429
  • WpPart
    Parts 30
[Unedited] Ang Biringan City ay isa sa sikat na urban legend dito sa Pilipinas. Marami ring natatanging kwento kaakibat ng lugar na ito. Ano nga ba ang mayroon sa Biringan City? Isa sa naging tanong ni Caralina Montejos, dahilan para maging interesado siyang mapatunayan ito at hindi naging batid sa kanya na ito ang isa sa makakapagpabago ng buhay niya, at mag lalantad ng tunay niyang pagkatao.