H I S T O R I C A L F I C T I O N ✨
10 stories
Way Back To 1898 by WhiteGelPen
WhiteGelPen
  • WpView
    Reads 9,483
  • WpVote
    Votes 753
  • WpPart
    Parts 39
Nang yayain si Thalia ng kanyang mga kaibigan na sumama sa isang road trip, buong pag-aakala ni Thalia ay magiging masaya iyon at puno ng mga magagandang alaala. Subalit nang pumasok siya sa isang lumang museo na kilala sa lugar ng kanyang kaibigan, napukaw ng isang napakagandang obra ng isang babaeng kamukhang-kamukha niya ang kanyang atensiyon. Nakaramdam siya ng kakaibang koneksiyon sa larawan pero hindi niya na lamang iyon pinansin. Buong akala niya ay dala lamang ng paghanga sa naturang obra ang kanyang naramdaman. Subalit nang magising siya sa isang hindi kilalang lugar ay unti-unti niyang napagtagpi-tagpi ang lahat ng pangyayari. Kung ano ang kinalaman niya sa taong iyon, at kung anong papel niya sa mundong pinagdalhan sa kanya ng obra sa larawan ay hindi niya alam. Date started: July 10, 2025 Date ended: - All right reserved © 2025 Plagiarism is a crime.
Reincarnated Affection ✓ by WhiteGelPen
WhiteGelPen
  • WpView
    Reads 12,114
  • WpVote
    Votes 1,089
  • WpPart
    Parts 23
C O M P L E T E D (UNEDITED) Kisses Monterez, isang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mangolekta ng mga makalumang gamit, ang mapupunta sa loob ng isang libro. Kung ano ang papel niya sa lugar na iyon ay hindi niya alam. At doon niya magagawang maranasan ang isang pag-ibig na ipinagbabawal na magtagpo kailanman. ________ Reincarnated Affection | Completed written by WhiteGelPen
Sa Kamay ng mga Mananakop  by WhiteGelPen
WhiteGelPen
  • WpView
    Reads 427
  • WpVote
    Votes 102
  • WpPart
    Parts 7
Si Christiana Josephina Bartolome ay isang matapang at walang inuurungan na babae sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Subalit siya ay isa lamang sa mga karakter ng kwentong isinusulat ni Serena, isang sikat na manunulat sa kasalukuyang panahon. Ang pagkahumaling niya sa mga makasaysayang pangyayari no'ng panahon ng mga mananakop ang nag-udyok sa kanyang isulat ang kanyang mga naiisip at nararamdaman. Subalit paano kung isang araw ay nagising na lamang siya sa katauhan ng isa sa mga karakter na kanyang isinusulat? Nakahiga sa gitna ng napakaraming duguang sibilyan habang may hawak-hawak na tabak? Magawa niya kayang gampanan ang papel ng katapangan, o mananatili din siyang nakapailalim sa kamay ng mga mananakop na dayuhan?
Bond Between Us by Serenabelle-WP
Serenabelle-WP
  • WpView
    Reads 894
  • WpVote
    Votes 58
  • WpPart
    Parts 2
Isang babaeng nagmula sa kasalukuyan ang mapupunta sa ibang mundo at nakaraan. Sa ngalan ng kaniyang pagbabago, kaniyang masasaksihan ang lahat ng nakatakdang kaganapan. Ngunit sa kabila ng inaakala niyang mundong walang bahid ng problema, ano kaya ang mga sikretong nakakubli sa bawat isa?
Until Our Next Penumbra [The Watty's 2025 Shortlist] by Rhopalocera30
Rhopalocera30
  • WpView
    Reads 4,229
  • WpVote
    Votes 1,912
  • WpPart
    Parts 51
[The Watty's 2025 Shortlist] Sa mundo ng agham at prediksyon, si Felicity Valerio ay isang meteorologist, alam niya kung kailan uulan, kung gaano kalakas ang hangin, at kung kailan darating ang bagyo. Ngunit isang bagay ang hindi niya kailanman makita, ang kanyang sariling kapalaran. Siya ang ikalabing-isang babaeng isinilang sa kanilang angkan, at ang tadhana ay itinakdang malalaman sa kanya kung ang sumpa ng kanilang pamilya ay tuluyan nang naputol o patuloy pa ring maghahari sa susunod na henerasyon. Sa loob ng maraming siglo, ipinagkait sa kanyang lahi ang wagas na pag-ibig, tila isang hindi maipaliwanag na sumpa na nagtatali sa kanilang puso sa kapahamakan. Ngunit bakit? Ano ang dahilan? Nagsimula siyang maghanap ng sagot at lahat ng palatandaan ay nagtuturo sa isang pambihirang pangyayari sa langit, ang eclipse. Ano ang koneksyon nito sa kanyang buhay? May kinalaman ba ito sa pagkawala ng kanyang ina, na tila may hawak ng susi sa kanyang kapalaran? Sa kanyang paghahanap, haharapin niya ang isang matinding pagsubok, kailangan ba niyang bumalik sa nakaraan upang itama ang kasalukuyan? O sapat na bang maghintay at tanggapin ang hindi na mababago? Sa kanyang paglalakbay, makikilala niya ang isang pag-ibig na bahagi ng kanyang kapalaran, maaaring magligtas sa kanya o lalo siyang magpatali sa sumpang hindi matatakasan. Ito ang kuwento ng isang babaeng haharap sa pinakamalalim na misteryo ng kanyang pamilya, ng isang sumpang bumabalot sa pag-ibig, at ng isang kapalarang itinakda sa ilalim ng anino ng eclipse.
Ang Piano ni Lola Beatriz by PenSMyFrIenD
PenSMyFrIenD
  • WpView
    Reads 349
  • WpVote
    Votes 44
  • WpPart
    Parts 4
Ang walang kamatayan pag-ibig nina Beatriz at Joselito kahit pa noong kasagsagan nang Spanish-American War
TALA  by jmarkmuyargas
jmarkmuyargas
  • WpView
    Reads 744
  • WpVote
    Votes 146
  • WpPart
    Parts 6
[ COMPLETED ] A present-day artist wakes up in 1884, drawn to a woman whose soul seems to echo across time. As love blooms in a world not his own, he must face the mystery behind the antique payneta, a haunting dance, and a fate he never saw coming. Dive into a love that defies centuries and unravels secrets buried by time. --- Isinulat ko ang kuwentong ito noong Grade 11, para sa theater performance namin sa CPAR. Assistant writer lang ako noon, pero nang hindi matapos ng main writer ang kuwento namin, at bigla siyang nag-quit, ako ang pinasulat ng director. Hindi ko inakalang ang istoryang ito ang magiging pinakamalapit sa puso ko. Habang minamadali ko itong buuin, tila may pumapasok sa isipan at damdamin ko na hindi ko maipaliwanag. Para bang ako si Miguel - nawawala, naghahanap, at umaasa. Hindi ko ito isinulat para sa followers. Isinulat ko ito dahil hindi ako matahimik hangga't hindi ko ito naibabahagi. Kung sakaling mabasa mo ito... sana madama mo rin.
TALA : Ang Lihim ng Dalawang Panahon (Book 2) by jmarkmuyargas
jmarkmuyargas
  • WpView
    Reads 481
  • WpVote
    Votes 134
  • WpPart
    Parts 13
[ COMPLETED ] "Some secrets must be revisited-only then can the heart finally rest." They believed the story was over. Yet in the quiet, memories still lingered - unanswered questions, emotions suspended between two worlds in time. But sometimes, the journey back is not merely to love again... it is to mend, to uncover the truth, and to finally understand it all. Step into Hazell's mission- where the past and present collide. --- Isinulat ko ang kuwentong ito noong Grade 11, para sa theater performance namin sa CPAR. Assistant writer lang ako noon, pero nang hindi matapos ng main writer ang kuwento namin, at bigla siyang nag-quit, ako ang pinasulat ng director. Hindi ko inakalang ang istoryang ito ang magiging pinakamalapit sa puso ko. Habang minamadali ko itong buuin, tila may pumapasok sa isipan at damdamin ko na hindi ko maipaliwanag. Para bang ako si Miguel - nawawala, naghahanap, at umaasa. Hindi ko ito isinulat para sa followers. Isinulat ko ito dahil hindi ako matahimik hangga't hindi ko ito naibabahagi. Kung sakaling mabasa mo ito... sana madama mo rin.