INKZYVERA
- Reads 4,843
- Votes 546
- Parts 41
DESCRIPTION
────── .・ 。゚.☆: *.☽ .* :☆゚. ───────
Akala niya tapos na ang lahat nang iwan niya ang nakaraan. Akala niya sapat na ang distansya, sapat na ang mga taon ng pagkawala para mabura ang koneksyon nilang dalawa.
Ngunit hindi niya alam na may mga alaala na hindi kailanman nawawala, lalo na kapag may isang taong tumatangging nakalimutan kana.
Noong bata pa sila, magkasama silang lumaki. Siya ang taong palaging nasa tabi niya, ang unang naging kakampi, ang unang nakakaalam ng bawat takot at lihim niya. Ngunit habang lumilipas ang panahon, nagbago ang lahat.
Ang dating inosenteng pagkakaibigan ay unti-unting napalitan ng isang damdaming masyadong malalim, puno ng pananabik at puro kasakiman ang nais makamit.
Taon ang lumipas bago sila muling nagkita. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naging estudyante siya ng lalaking minsang naging bahagi ng kabataan niya.
Sa umpisa, inisip niyang nagkataon lang na wala na iyong ibig sabihin na isa lamang siyang dating kakilala sa paningin niya.
Pero mali siya.
Dahil mula sa unang araw, naramdaman niya na parang may matang palaging nakatingin. Isang presensyang hindi lantad, ngunit palaging naroon.
Mga tinging masyadong matagal
Mga pagkakataong tila alam nito kung nasaan siya, kahit hindi naman niya sinabi.
Hindi niya alam kung bakit sa tuwing lumilingon siya, naroon ito.
Tahimik na nagmamasid na parang hinihintay lamang ang tamang oras.
Unti-unti niyang narealize na hindi pala siya basta nakita muli.
Hinintay siya ng matagal, tahimik at buong pasensya.
Ang lalaking dating kababata niya ay hindi na simpleng bahagi ng nakaraan.
May kung anong nagbago rito, isang uri ng pagkahumaling na hindi madaling takasan.
At habang tumatagal, nagsisimula niyang maintindihan ang isang bagay
Hindi siya basta nakita muli
Hinahanap siya
At ngayong nahanap na siya