Akamei_Sensei
- Reads 504
- Votes 70
- Parts 21
Calle del Amor, or the "Street of Love", isang sikat na pasyalan noon sa Manila. Para sa nakararami saya ang dala ng lugar ngunit para sa walang kaalaman, Isang misteryo ang kalye.
1992, Estella Florrenciana Villarga, Isang manunulat at makata ay nakilala si Emillio Silvestre Vezencio na isa namang litratista at musikero.
Calle del Amor ang nag-silbing tagpuan nilang dalawa
- ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon sumapit ang hapon. Alas singko na para sa mga matatanda ay oras ng sumpa. Isang lumang tindahan ng orasan ang lilitaw sa kalye. Isang simbolo, Isang sekreto at Isang babala. Hindi nila alam na dito na mag-sisimula ang trahedha na susubok sa kanilang pag-iibigan dahil kung sino man ang makakakita ng tindahan ng mga orasan ay ang susunod na mamalasin.
Binigay ni Emillio kay Estella ang isang hourglass pagkatapos ay bigla siyang nawala. Nakakapagtaka lamang ay huminto sa pagbugsok ang mga buhangin sa hourglass, tila nagbabadya at tila may pinapahiwatig.
Taong 2002 , sampung taon ang nakalipas ay natagpuan muli ni Estella ang sarili sa Calle del Amor at sa pagkakataon na iyon ay tila nangungusap ang hourglass at bumalik ito sa dati, mabilis na bumulusok ang buhangin na nagmumula dito.
At naroon sa kabilang dako, Nakita niya muli ang binata.
Ganoon parin ang itsura na tila ba huminto ang oras sa kaniya at Hindi siya umusad.
"Emillio...?"
Can love defy time....if time is what tore them apart?