eutonywrites_
- Reads 1,444
- Votes 42
- Parts 26
Sa isang lumang bayan sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kampanaryo, nakilala ni Liliana Montel ang pari na tinitingala ng lahat-si Father Salvatore Alvarez. Mapagkumbaba, maamo ang ngiti, at tila walang bahid ng kasalanan. Sa bawat misa, bawat sermon, bawat dasal mula sa kaniyang labi ay tila musika sa puso ni Liliana. At sa pagitan ng mga kumpisal at dasal, unti-unting nabuo ang isang bawal na damdamin-isang pag-ibig na hindi dapat umusbong sa pagitan ng isang pari at ng isang babae.
Ngunit may lihim na itinago ang naturang banal na pari, na siyang mas madilim pa kaysa sa kanilang ipinagbabawal na pag-iibigan.
Hindi siya ang taong akala ng lahat.
Hindi siya isang pastol ng simbahan-kundi ang mismong nilalang na kinatatakutan ng lahat.
@eut_channn