breathtakingfumi
May mga lalaki talagang hindi dapat binabalikan. Lalo na 'yung iniwan ka sa ere habang may dalawa batang sa sinapupunan mo. Ganito ang paniniwala ni Ysadora Madrigal isang single mom na may sosyal na dugo, malutong na credit card, at lakas ng loob na kaya niyang palakihin ang anak niyang kambal mag-isa. Walang drama. Walang Lalaki.
Pero paano kung ang lalaking iniwan siyang luhaan limang taon na ang nakalipas ay muling bumalik sa buhay niya? At hindi lang basta balik kundi handang habulin ang lahat ng nawala sa kanya, pati ang puso ng babaeng minsan na niyang sinaktan?
Gabriel Cruzalejo, the one that got away. Or maybe, the one who ran away. Successful. Matalino. Gwapo pa rin kahit makapal ang kapalaluan. Akala ni Ysadora, matagal na niyang nailibing ang sakit. Pero isang sulyap mula kay Gabriel, at isang alingasngas ng nakaraan... biglang may gumising na damdamin. (Galit mga beh)
Sa pagbabalik ni Gabriel, mabubulabog ang mundong matagal nang pinatahimik ni Ysadora. Between PTA meetings, glittering charity galas, at mga lihim na bumabalik para saktan siyang muli, Ysadora must decide.
Will she let Gabriel chase her? Or will she make him pay the price of every moment he let her bleed alone?
This is not a story of chasing love.
This is the story of a woman who was chased. Not because she's weak, but because she's finally strong enough to be loved the right way.
"Chased by Cruzalejo"
Sometimes, love comes back.
But this time, you better run for it, Cruzalejo.