From khenjave, Tadzrei2 & write4funlol2
127 stories
Send In The Clown by Kooch Mapua by write4funlol2
write4funlol2
  • WpView
    Reads 212
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 6
Na kay Jet na ang lahat at sa malas ay wala na siyang mahihiling pa. Maganda siya, matalino at marami nang achievements bilang creative director ng isang malaking advertising agency. Kinaiingitan siya ng marami at iginagalang sa industriya. Ngunit ang kagalakan ay natagpuan niya not in her fancy office and glamorous job--kundi sa pagiging payaso sa mga children's party. As a clown, siya si Jenn... at bilang Jenn, nakilala niya si Ernest-workaholic, bitter and miserable. She felt instant attraction towards him but determined to forget him, kundi lang sila pinaglaruan ng tadhana at muling pinagtagpo. This time, siya na si Jet, ang pinagpipitagang pangalan sa advertising industry. They had so much in common-their losses. Yet, they found something special, their love. Pero may malaking lihim si Jet na tila kamatayang nagbabanta sa kanilang pag-ibig. Sapat na ba ang mapupusok na halik at maiinit niyang yakap upang ganap sıyang matanggap ng lalaking minamahal?
Man Of My Dreams 2: Mr. Sungit - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,884
  • WpVote
    Votes 124
  • WpPart
    Parts 11
Ginawa ni Sylla ang lahat para mapansin ni Joenard de Rucci, ang Filipino-Italian na crush ng bayan. He was the man of her dreams. Sa kagustuhang mapansin siya ng binata, kung anu-ano na ang kanyang ginawa. Nag-tryout siya sa women's team sa eskuwela pero nadapa. Sumali sa cheering squad, pero hindi napili -- naging katatawanan pa siya sa harap ni Joenard at ng barkada nito. Sinikap niyang iwasan at kalimutan si Joenard Pitong taon na ang nakaraan nang muli silang magtagpo ng lalaki. Siya bilang physical therapist ni Joenard na nabalda dahil sa isang aksidente. Subalit bakit hanggang sa ganitong kalagayan ni Joenard ay lagi pa rin siyang sinasaktan nito... iniinsulto ang kakayahan niya? Pero ano ba ang ibig sabihin ng mga panakaw nitong tingin sa kanya? At bakit tila yata nagseselos ito kay Dr. Ruel Mariano, ang doktor ng team nito?Ano ba ang dapat niyang isipin sa mga inconsistencies nito?
Talahib 5: Minsan Isang Tag-ulan - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,026
  • WpVote
    Votes 23
  • WpPart
    Parts 7
"Minahal niya ako nang wagas... nang walang hinihintay na kapalit." Nagmagandang-loob lang si Doreen na isakay ang isang matandang lalaki na nababasa na ng ulan sa waiting shed. Si Mang Joe, pakilala nito, at matandang guwardiya sa Falcon Builders. Nag-iisa, malungkot ang buhay nito tulad niya. Naging magkaibigan sina Doreen at Mang Joe. Inatake sa puso ang lalaki sa loob ng kanyang bahay. Iyon na ang simula ng isang malaking bangungot sa buhay ni Doreen. Si Mang Joe ay hindi guwardiya kundi ito ang may-ari ng kompanya, si Matt Falcon Sr. Nalaman niyang sa kanya ipinamana ni Matt Falcon, Sr. ang lahat ng kayamanan nito sa poot nina Cleo at Jan at kahit ni Andrew. Ano ang gagawin ni Doreen - aangkinin ba niya iyon o ibabalik sa mga tunay na tagapagmana ni Matt Falcon? Then she thought she was falling in love with Jan Falcon, kahit alam niyang may asawa na ang lalaki. Pero bakit sa tuwing nagtatagpo ang landas nila ni Andrew ay tila laging may paruparo sa sikmura niya? Bakit takot siya rito, and yet at the same time felf safe with him?
Lorenzo Empire 6: Doel Andrew - The Playboy - Patt Valentino by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,230
  • WpVote
    Votes 69
  • WpPart
    Parts 20
Pagbabayarin ni Regina si Doel Andrew sa ginawa nitong panloloko sa kapatid niya. Ipararanas niya rito ang sakit na naranasan ni Devina sa lalaki. Ang mga iyon ang binuo niyang plano. Ngunit katulad ng kapatid niya, nahulog agad siya sa angkin nitong kaguwapuhan at kakisigan. Natuklasan niya ang hindi-mapigilang pangangailangan ng traidor niyang katawan kay Doel. Kaya nang alukin siya nito ng kasal, wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Ngunit hindi sila naging maligaya-dahil taglay pa rin ni Regina ang galit kay Doel. Nakatatak sa isip niya na ito ang dahilan ng pagkasira ng kanyang kapatid. Patuloy siyang inuusig ng kanyang budhi, kaya ipinasya niyang iwan ito. Subalit natuklasan niyang inosente si Doel sa mga ibinintang niya rito. Kasabay niyon ang tuluyang pagkawala ng pag-asang magkabalikan pa sila. Dahil siya ngayon ang balak nitong paghigantihan...
Man Of My Dreams 7: The Arrogant Seducer - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,788
  • WpVote
    Votes 97
  • WpPart
    Parts 10
Be my woman Ria. Shocked si Ria sa narinig. Gusto mo akong pakasalan? Isang nakakalokong halakhak ang pinawalan ni Gregor da Silva. Kasal? Hindi pa ako nababaliw para magpakasal. Ano ng ibig sabihin ng binata? Gusto lang siyang gawing mistress nito? Sang babaeng mapo-provide ng kaligayahan dito sa tuwing gugustuhin nito? Gusto niyang kamuhian ang pinakaaroganteng lalaking nakilala niya. Pero may karapatan ba siyang tumanggi? Hawak nito ang katahimikan ng pamilya niya. At paano siya makadarama ng pagsisising tinanggap ang bargain nito kung matapos siyang makulong sa mga bisig nito ay napatunayan niyang isa rin itong great seducer and lover?
The General's Angel 3: Sterline Subido - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,489
  • WpVote
    Votes 35
  • WpPart
    Parts 10
"You're the most intelligent Subido and you' ve never done a single mistake." Tumimo sa isip ni Sterline ang sinabing iyon ng kanyang papa. Ngunit paano niya sasabihin dito na nagbago na ang lahat? Na mula sa mga libro ay inagaw na ang atensiyon niya ni Roderick Benjamin, ang lalaking sa unang tingin pa lang ay alam niyang hindi niya maaaring ipagmalaki sa kanyang pamilya. Ngunit huli na ang lahat. Hindi na niya ito makalimutan. Para bang nakatagpo ito ng permanenteng tirahan sa isip at puso niya at wala nang planong umalis doon. At ang mahirap sa lahat, palagi niyang natatagpuan ang sariling pumupunta sa bahay nito na alam niyang hindi ikatutuwa ng papa niyang heneral at ubod ng istrikto...
Tempting Faith - Almira Jose by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,935
  • WpVote
    Votes 45
  • WpPart
    Parts 10
"I'm guilty of doing a couple of crazy things in the past but not this. Pursuing you is the sanest thing I've done in my life ." Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya ng college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all through the courtesy of Andrew, ang ex-basketball star-turned-sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan agad siya ng romantikong atensiyon. He was quite a charmer. Walang kalaban-laban ang puso ni Faith. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-what-iyon ang binata sa buhay niya. Sa maikling panahon ay naging maligaya siya sa piling ni Andrew. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lamang pala siya ng binata. Pinakyaw na ni Andrew ang lahat ng "first" ni Faith. Pati ba ang first heartache niya ay kailangan din niyang ibigay sa binata?
The Gonzalez-Carredano Saga 2: Till I Met You - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,678
  • WpVote
    Votes 66
  • WpPart
    Parts 11
Jaimie Carredano-beautiful, alluring, sexy, but a spoiled rotten rich brat! Sanay siyang nakukuha ang anumang magustuhan nang walang isinasaalang-alang na damdamin. Para sa kanya, isang laro lang ang pag-ibig. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Dr. Bren Austria. In all her life, ngayon lang naranasan ni Jaime na mabale-wala ng isang kabaro ni Adan. Parang walang epekto ang karisma niya kay Bren. The handsome doctor was aloof and distant. At ang problema-she fell in love with him. Ano ang gagawin ni Jaime? Was there a way to win his cold heart, kung mismong ang kanyang ama ay walang tiwala sa damdamin niya sa pagkakataong ito?
My Special Valentine Desire: My Other Fiancé - Jasmine Han by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,408
  • WpVote
    Votes 86
  • WpPart
    Parts 10
Engaged na si Ashley sa kanyang boyfriend of many years nang malaman niya ang di kanais-nais na ginawa ng ama bago ito namatay. Ipinagkasundo siya nitong ipakasal sa anak ng taong pinagkakautangan nito dahil sa pagkagumon sa sugal. Kapalit iyon ng bahay at lupa nila na balak pa naman sana niyang ibenta para makapag-aral ng medisina ang kapatid niya. Dali-dali siyang nag-empake at hinanap si Revas Mendoza. Nakahanda siyang magmakaawa, ibalik lang nito sa kanya ang titulo ng bahay at hindi ituloy ang kasal. Laking gulat niya nang walang reklamong pumayag ang lalaki sa gusto niya. Okay na sana, kung hindi siya mainit na hinalikan ni Revas at naakit siyang tugunin iyon....
The General's Angel 5: Smitha Subido - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,861
  • WpVote
    Votes 26
  • WpPart
    Parts 11
Si Smitha Subidososyal, maarte, mataas ang tingın sa sarili. Ngunit bakit bigla siyang nahibang kay Wilbur? And before she knew it, naroroon na siya sa isang isla at nagpapaalipin dito. "Walang magtuturing sa yong prinsesa sa lugar na ito!" saad nito. "Nobody rules in this house but me." Mangiyak-ngiyak niyang sinunod ang bawat utos nito sukdulang masira ang kanyang mga kuko. Subalit bakit ba niya ginagawa iyon gayong kahit anong oras ay maaari siyang bumalik sa dati niyang buhay? Ah, iba na kapag ang puso ang nagdidikta...