May mga pinto sa paaralan na hindi dapat pinapasok. Pero paano kung ikaw mismo ang tawagin nito?
Nang matagpuan ni Aira ang lumang silid sa likod ng library Room 4:17 hindi niya akalaing isang larawan ang magbabago ng lahat. Isang class picture mula taong 1997... kung saan nakangiti siya kasama ang mga estudyanteng matagal nang patay.
Isa-isa nang nawawala ang mga kaklase niya.
At ang susunod na pangalan sa listahan... baka sa kanya na nakalista.
Sa Room 4:17, hindi lahat ng nawawala ay natatagpuan.
At hindi lahat ng bumalik... ay tao pa rin.
Isang Nobela ng Pag-ibig, Engkanto, at Kapalaran.
Paminsan-minsan, sa pagitan ng lambak at bundok, may pag-ibig na hindi sinusukat ng panahon. Dito matutunghayan ang pag-ibig ng isang engkanto at isang mortal.