vaniii120622
Sa isang mundo ng business meetings, expensive wine, at power suits, hindi kailanman inakala ni Zahri, isang messy, makulit, at struggling graphic artist, na magiging roommate siya ng ultimate kontrabida ng buhay niya-Jarren Aurelio, isang cold, mysterious CEO na may sariling rules, sariling coffee machine, at sariling mundo.
Pero dahil sa isang aksidenteng kontrata at kakulangan ng options sa tirahan, napilitan silang magsama sa iisang condo. Sa umpisa, warla sila araw-araw-may toothbrush wars, kulang sa tissue, at palaging may debate kung sinong turn sa dishwashing.
Pero habang tumatagal, unti-unting nagbabago ang dynamics. Sa gitna ng petty tampuhan, shared take-out food, at mga gabi ng tahimik na kwentuhan sa balcony, may nabubuong something na hindi nila kayang i-deny.
At nang unti-unting lumalabas ang mga sikreto-ang ex ni Jarren, ang takot ni Zahri sa commitment, at ang isang unexpected fake-date situation-mas lalong gumulo ang dapat sana'y simpleng roommate setup.