joaquin_buan
Ang paruparo ay maraming ibig sabihin o simbolo. Kapag ang kabataa'y tumakbo, simula rin nang paghuli nila sa sarili nilang paruparo.
~ʚɞ~
Matagal nang namumuhay si Ray sa dilim. Walang mga mata ang nakakakita sa kanya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana nang dapuan siya ng misteryosong sakit na nagdudulot ng pagsikat ng liwanag na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Subalit kasabay rin nito ang kamatayan--sandaang pagsikat ng liwanag ng araw bago tuluyang pumikit ang mga mata. Bago tuluyang mabalot siya sa dilim.
Kasabay nang kanyang pagtatapos ay ang wakas ng kanyang buhay. Wala namang makakaalam dahil wala siya sa paningin ng iba, kaya pinili na lang niyang manahimik. Ngunit paborito siyang biruin ng tadhana nang mapansin siya ni Cassie, ang perpektong depinisyon ng liwanag ng isang bituin. Hindi lamang siya napansin ngunit totoong nakita rin, at hindi papayag si Cassie na basta na lang siyang mawawala.
Sa paglipas ng nalalabi niyang mga araw, kailangang matutuhan ni Ray kung paano ba ang mamuhay at mag-iwan ng marka sa mundo.
Kung paano ba humuli ng paruparo--ang kahulugan ng sarili niyang buhay.