Marie_Tales
- Reads 590
- Votes 304
- Parts 19
Tatlong dekada na ang lumipas mula nang brutal na pinaslang ang bagong kasal na sina Lorenzo at Clara sa loob ng Mansyon de Montessori. Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang pagpanaw ng sinumang sumusubok tuklasin ang madilim na lihim ng mansyon-kasama na rito ang mga magulang ni Elisa Montessori.
Sa kabila ng babala ng kanyang lola, si Elisa at ang anim niyang kaibigan ay nagpunta sa mansyon para sa isang adventure. Ngunit ang inaakalang simpleng lakad ay nauwi sa bangungot. Isa-isa silang nilalapitan ng kamatayan-hindi lang ng mga multo, kundi ng isang mamamatay-taong nagtatago sa dilim.
Habang lumalala ang sitwasyon, isa sa kanila ang pinaghihinalaang killer-si Kenjie, ang tahimik at misteryosong kaibigan ni Elisa. Maniniwala ba siya sa nararamdaman niya, o patuloy itong ipaglalaban kahit sa mga patunay na unti-unting lumalabas?
Sa pagitan ng buhay at kamatayan, katotohanan at panlilinlang, kailangang harapin ni Elisa ang pinakamasakit na rebelasyon: na ang sikreto ng mansyon ay mas malapit sa kanya kaysa sa kanyang inaakala.
Some secrets stay buried. Some come back... to kill.