TimelessWill
Sa gitna ng tahimik na mga bintana at bulung-bulungan ng kasaysayan, si Binibing Eureign Del Rosario ay isang dalagang Pilipina na nahulog sa pagitan ng dalawang mundo: ang walang kalayaang buhay sa piling ng mga Espanyol, at ang lihim na rebolusyon sa ilalim ng bubong ng kanyang tahanan na magiging rason ng pag danak ng dugo ng karamihan.
Anak ng isang doktor na heneral, nananahimik ang kanyang puso sa gitna ng peligro ng katotohanang ang kanyang ama ay may koneksyon sa mga rebelde. Ngunit nang dumating si Aleandro Jacinto isang morenong binatang may matang abelyana na magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Ang simpleng sulyap ay magiging rason ng sakripisyo, paglalaban at paghihintay.
Sa isang mundong ipinagbabawal ang pag-ibig sa labas ng estado at lahi, ang kwento ni Eureign na traydor at Aleandro na rebelde ay isang paglalakbay ng pag-alinlangan, pagtanggap, at paninindigan. Isang kwento ng tapang ng puso sa panahon ng digmaan ay nag hahanap ng pagbati sa silangan kung saan sumisikat ang liwanag ng bayan. Para sa Kalyaan ng susunod na henerasyon.
Salamangka ng Kasaysayan isang nobelang tumatagos sa alaala ng bayang may puso, handangang mag sakripisyo, mag hintay, may dangal, at mga lihim na handang sumabog.