jhillxem
Sa bawat sulok ng dilim, may isang aninong laging nakamasid. Isang presensyang hindi niya maipaliwanag-parang isang multong sumusunod sa kanya, hindi niya alam kung para bantayan o takutin siya.
Sa simula, takot lang ang nararamdaman niya. Isang stalker? Isang banta? Isang halimaw na nagtatago sa likod ng gabi? Pero habang lumilipas ang mga araw, may kung anong bumabagabag sa kanya. Kung tunay siyang nasa panganib, bakit parang hindi nito kayang saktan siya? Bakit sa kabila ng takot, may kakaibang init siyang nararamdaman sa presensya nito?
Pero... paano kung ang taong akala niyang hahatol sa kanya ay siya rin palang pipiliing ipaglaban siya? Paano kung ang aninong kinatatakutan niya ay siya ring hindi kayang mawala sa tabi niya?
At paano kung sa isang mundong hindi dapat siya minahal, may isang nilalang na handang ipaglaban siya-kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan?