janolivares
- Reads 314
- Votes 506
- Parts 44
Ako si Calix. Pangalawang anak nina Mommy Glyzel at Daddy Amiel. Si Kuya Clyde ang panganay-John Clyde Veroza. Ako si John Calix Veroza.
Pero kung iniisip mong close kami, nagkakamali ka.
Hindi kami magkaibigan.
Hindi kami magkabarkada.
Magkapatid lang kami-at halos araw-araw, nag-aaway.
Si Kuya? Palaging mahigpit. Palaging galit. Overprotective daw sabi ni Mommy... pero sa'kin, parang kaaway ko siya. Lagi akong mali sa mata niya. Lahat ng kilos ko, may mali. Minsan nga, nagdasal pa akong sana mawala na lang siya.
Pero hindi ko alam...
Na pwedeng mangyari 'yon.
Na isang araw, mawawala nga si Kuya.
And that was the day everything changed.
The day I couldn't take back the things I said.
The day we lost Kuya Clyde.
Hindi ko alam na mas masakit palang mawalan ng taong akala mong galit ka... kaysa sa mawalan ng taong alam mong mahal mo.
Ngayon, wala na si Kuya.
At ako? Ako yung naiwan-bitbit ang lahat ng galit, tanong, at pagsisisi.
This isn't just a story of grief.
This is a story of everything we took for granted-
Until it was too late.