ArishaBlissa
- Reads 37,866
- Votes 331
- Parts 8
Lihim ang relasyon ni Doctor Maxwell Brio Rasseton, isang pediatrician, at ng kanyang girlfriend na si Nurse Mice Velaroza sa loob ng dalawang taon. Para maprotektahan ang kanilang sikreto, pumayag si Max na magkunwari na boyfriend ng boy best friend ni Mice - si Doctor Kenneth Jacob Gordieva, isang veterinarian.
Nagladlad kuno ang dalawa at nagkunwari silang mag-jowa. Pero sa totoo lang, straight silang pareho!
Mas mabuti na iyon kaysa mabisto ng protective at mainitin ang ulo na Kuya ni Mice - si Doctor Rat Velaroza - na galit sa kanya mula nang matalo niya ito sa Mr. HC. Ano bang magagawa ni Max kung siya ang mas gwapo at mas bagito?
Ngunit higit pa sa takot na "balasahin ang mukha" niya ng Kuya ni Mice, naguguluhan na rin si Max kung bakit pinababawalan ng pamilya si Mice na mag-jowa muli. At ang nakakaalam ng dahilan? Wala nang iba kundi si Kenneth.
Pero paano kung sa halip na si Mice ang pag-agawan nila ni Kenneth, si Kenneth mismo ang maging lubid sa thug of war ng puso ni Max?
--