HAVENCITE
- Reads 492
- Votes 113
- Parts 13
Pamilya.
Sila ang mga taong makakapitan at masasandalan mo pag ubos na ubos ka na-iyan ang ilan sa sinasabi ng karamihan. 
All throughout my life-for 20 years of being alive, I've never felt a family's love. It's like I've been wandering through life, alone and adrift, searching for a connection that seems elusive. Ni minsan hindi ko naramdaman na may pamilya ako. Ni minsan hindi ko naramdaman may nanay at tatay ako na siyang dapat na aalalay at gagabay. Ni minsan hindi ko naramdaman na may kapatid ako na magiging kakampi ko kapag kinakailangan.
Ang hirap.
Ang hirap kapag yung sarili mo lang ang nagiging kakampi mo mula sa mga binabatong salita nila na nagmimistulang balisong. Ang hirap kapag walang nakikinig sa mga problema mo. Ang hirap kapag walang umiintindi sa mga paliwanag mo. Ang hirap kapag ikaw lang mag-isa.
Ngunit sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon, sa gitna ng magulo at malupit na mundo, may isang lalaking naglakas ng loob na maglakad patungo sa akin; sa buhay kong puno ng sakit at pagdurusa. Ang nag-iisang lalaking nag-boluntaryong makinig at umintindi sa hindi mabilang kong problema. Ang nag-iisang lalaking nagbigay liwanag sa madilim kong mundo. Ang lalaking iningatan at pinahalagan ako ng higit sa lahat. Ang lalaking minahal ako, kahit na halos siya ay nauubos na.
Ipinangako ko na siya lang ang gugustuhing makasama hindi lang sa kasiyahan at ginhawa. Makakasama niya ako sa hirap at kalungkutan, sasamahan ko siyang lumaban mula sa mga hamon at sakit na ibabato ng mapang-aping mundo.
Makakasama niya ako sa lahat.
Sasamahan ko siya, palagi. 
Habangbuhay.
Siya ang nag-iisang pahinga, kasiyahan, at liwanag ko.
Siya ang meron sa lahat ng wala ko, siya ang pag-asa sa bawat pagsuko ko, siya ang kulay sa buhay kong walang kabuhay-buhay.
He's the constant reason of my joy and laughter. He's my everything. He's my love.
Kung wala siya, kulang ako; hindi ako buo.