Yannies13's Reading List
14 stories
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,554,316
  • WpVote
    Votes 43,723
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 "Watty's 2025 Honourable Mention" Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Tears of Heaven (Tears Series #1)  by MsKindGirl
MsKindGirl
  • WpView
    Reads 7,952,041
  • WpVote
    Votes 186,008
  • WpPart
    Parts 55
PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #1: Sieana Claire Atienza Naisipan ni Sieana Claire Atienza na lumuwas ng Manila para doon na mag-aral. Tutol man ang kanyang mga magulang, nagpumilit pa rin siya sapagkat may gusto siyang takasan. Walang iba kundi ang lalaking nanakit sa puso niya, ang kanyang first boyfriend. Hindi niya akalain na sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ay niloloko na pala siya ng taong lubos niyang minahal. Masakit. Sobrang sakit para sa kanya kasi halos ibigay na niya ang lahat pero nagawa pa rin siyang lokohin nito. Isa lang ang nasa isip niya, ang lumayo sa lalaking nanakit sa kanya. Sinabi niya sa kanyang sarili na hindi na siya magmamahal kasi natatakot na siyang muling masaktan. Posible nga kayang mangyari 'yon kung makilala niya si David Ryker Santiago na ubod ang sama ng ugali sa Univeristy na kanyang nilipatan. Marami rin ang nagsasabi na aloof ang lalaking 'yon kasi iwas siya sa mga tao. Ngunit paano kung ang aloof guy na tinatawag nila'y wala nang ginawa kundi ang bwisitin siya... Hahayaan niya bang makapasok 'to sa buhay niya o ilalayo niya ang kanyang sarili kasi natatakot na siyang muling masaktan pa? Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
Hiraya (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 2,390,343
  • WpVote
    Votes 89,507
  • WpPart
    Parts 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.
Chasing Hell (PUBLISHED) by KnightInBlack
KnightInBlack
  • WpView
    Reads 66,963,654
  • WpVote
    Votes 2,272,281
  • WpPart
    Parts 43
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
Chasing the Sun (College Series #1) by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 67,591,764
  • WpVote
    Votes 2,029,876
  • WpPart
    Parts 47
PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Save yourself from stress. Started: 09/09/2020 Ended: 10/07/2020 Solene Clemente was a typical Civil Engineering student who struggled to put up with her studies. Kung pwede ngang i-bake na lang ang napakaraming itlog sa test papers niya, ginawa niya na. At a young age, she experienced the harsh reality of life-poverty, abuse, and a broken family. But, as someone who could see the bright side of everything, she knew she could make it with only her mother and best friend, Duke Laurence Sanders, whom she secretly loved. Kahit pa naghihirap, basta kasama niya ang ina, kaya niya. Kahit pa madalas niyang hindi maintindihan ang lessons, ayos lang kasi may Duke naman na tuturuan siya. Na kahit gaano kalupit ang tadhana, patuloy siyang lumalaban sa buhay dahil may dalawang taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya. She became too dependent on the love they could offer. But little did she know, like the sun she adored, she was destined to be alone.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,134,822
  • WpVote
    Votes 188,243
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
The Powerful Princess by AiKUMAx
AiKUMAx
  • WpView
    Reads 4,263,045
  • WpVote
    Votes 113,599
  • WpPart
    Parts 67
>You can find it on Dreame App and also on Moboreader app, still ongoing since it's an English version of my story< Athena Nicole Cassandra Celestine. Long name right? Pero hindi lang sa pangalan niya ang mahaba, pati ang buhay niya. She's a nerd. A lonely. Live in peace. Pero dati yun. Nagbago ang buhay niya dahil sa isang sulat. Heto ang sulat na naging dahilan niya para bumalik sa dati. Ang dating buhay niyang iniwan dahil sa mabigat na karanasan. Ngunit wala siyang magagawa. Bumalik siya para muling mabuksan ang panibagong paglalakbay niya sa buhay. Ano kaya ang mga mangyayari? After ba nito, tahimik na ang buhay niya o mawawala ang lahat? Halika't samahan niyo kong buksan ang kwento ni Anica Scientele at alamin kung ano ang mga nangyari sa buhay niya. __________________________ Date started: 02/24/2017 Highest Rank Achieved in Fantasy #3 Highest Rank Achieved in Action #10 Highest Rank Achieved in Thriller #9 Credits kay @knnchwamomo for cover. Thank you!!
Dear Binibini by Geminiyaa_
Geminiyaa_
  • WpView
    Reads 115,853
  • WpVote
    Votes 4,163
  • WpPart
    Parts 62
Most Impressive Ranking: #1 History Two souls. Two eras. One impossible connection. Isang conyo na playboy ay bigla na lang nagising bilang isang binibini sa taong 1896. Samantala, ang isang sarsuwelista mula 1896 ay natagpuan ang sarili sa katawan ng isang moderno't mapusok na lalaki sa 2025. Sa pamamagitan ng mahiwagang notebook na nag-uugnay sa kanila, nagsimula silang magtulungan upang mabuhay sa mundo't panahong hindi nila nakasanayan. Ngunit habang natututo silang umangkop, unti-unting umusbong ang damdamin sa pagitan nila. Isang pag-ibig na tila lumalampas sa hangganan ng oras. Makakayanan kaya nila ang hamon ng kanilang mga bagong buhay? Paano nila mapapanindigan ang pagmamahalan sa magkaibang panahon? At higit sa lahat, paano kaya sila makakabalik sa kanilang tunay na mga katawan bago pa mahuli ang lahat? ••••• ••••• This is not your typical time travel story. Brace yourself for a mind-bending journey.
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,943,145
  • WpVote
    Votes 591,062
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 43,047,102
  • WpVote
    Votes 1,364,214
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.