Historical fiction
18 stories
Camino de Regreso (Way back 1895) by MiSenyorita
MiSenyorita
  • WpView
    Reads 301,584
  • WpVote
    Votes 9,262
  • WpPart
    Parts 47
Unang Libro. Isang simpleng buhay mayroon ang isang Celestiel Irene Serna at kontento na siya sa lahat ng mayroon siya lalo na't sapat na sa kaniya na siya'y biniyayaan ng iba't-ibang uri ng talento at higit sa lahat talino. Isa rin siyang maprinsipyong babae subalit ang lahat ng ito ay nabago nang isang araw magising siya na nasa ibang kapanahunan na. Napuno ng katanungan ang kaniyang puso't-isipan subalit sa pagtagal ng pananatili niya sa sinaunang panahon, isang bagay ang kaniyang napagtanto...na hindi pa pala sapat lahat ng kaniyang nalalaman. Madami pa siyang madidiskubre at malalaman na lingid sa kaniyang kaalaman at isa pa, ang hindi niya inaasahan ay hindi lang pala paniniwala ang maiiba sa kaniya...kundi pati ang kaniyang damdamin. Ngunit ano nga ba talaga ang totoong dahilan upang siyay mapadpad sa panahon ng mga kastila? Muli tayong magbalik tanaw sa mga pangyayari noong nakaraang panahon sa Pilipinas. Date written: November 21, 2017 Date finished: April 12, 2020 Book Cover by @MsLegion
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,355,921
  • WpVote
    Votes 40,723
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
The bridge to 1822 by Oenomelzha
Oenomelzha
  • WpView
    Reads 49,794
  • WpVote
    Votes 1,278
  • WpPart
    Parts 40
All Katana ever wanted was a quiet life. Isang buhay na simple, walang abala, at malayo sa kung anumang gulo. But peace has a price-and hers was stolen the moment she discovered her strange ability: she could smell death, and worse, communicate with the dead. Akala niya ay imahinasyon lamang niya ito, hanggang sa hindi na siya nito tantanan. Isang lalaking kaluluwa na tila ba matagal nang nawawala sasa mundo, pero nanatili dahil sa isang hindi matukoy na dahilan. He didn't want revenge. He didn't want to haunt. All he wanted... was to know how he died. At first, Katana resisted. Pero habang lumalalim ang gabi, mas lumalakas ang panawagan ng espiritu. Desperate to make it stop, she agreed to help. Ginamit niya ang Ciuineos, isang sinaunang ritwal na maaaring magbukas ng pinto sa mga alaala ng nakaraan. She thought it would be simple-just one ritual, one night, and maybe she'd finally get her peace. But the ritual did something she never expected. When she opened her eyes, the world had changed. Nasa ibang taon na siya. Nasa ibang katawan. She wasn't just seeing the past-she was living in it. Now, stuck in a life that isn't hers, Katana must unravel the mystery behind the spirit's death. Because the only way back to her present... is to find the killer hiding in the past.
Miss Ginoo  by AndreaCornilla
AndreaCornilla
  • WpView
    Reads 3,528
  • WpVote
    Votes 164
  • WpPart
    Parts 35
Miss Ginoo by Andrea Cornilla Pumanaw ang ina ni Margarita Garcia nang ipanganak siya nito. Lumaki siya kasama ang kanyang ama na si Don Jose Garcia at ang dalawang kapatid, na parehong matatapang at brusko. Kaya si Margarita ay hindi ang tipo ng babaeng isang Maria Clara. Hindi siya ang tipo ng dalagang sumusunod sa pamantayan para sa inaasahan sa mga kababaihan. Dahil isang kahihiyan ang kanyang mga inuugali at kilos bilang isang babae, nagpapanggap siyang lalaki at nagtatago sa pangalang Miguel-isang dayuhang alahero na nagbebenta ng mga alahas sa mga mayayaman sa sa San Juan de Bocboc. Mas ninanais niyang maging isang lalaki, dahil mas maraming pribilehiyo ang mga kalalakihan kaysa mga kababaihan noon. Sa kanyang pagpapanggap bilang ibang tao, makikilala niya at magiging kaibigan si Almacen Morales-ang lalaking umiibig sa matalik niyang kaibigan na si Teresa Fernandez. Gusto niyang ipalapa sa mababangis na hayop si Almacen, dahil tinatangi niya rin ang isang Teresa Fernandez. Pero paano kung magising na lamang siya isang araw, na kay Ginoong Almacen na pala tumitibok ang kanyang puso? All Rights Reserved
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,651,881
  • WpVote
    Votes 307,003
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 33,997,883
  • WpVote
    Votes 838,041
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,325,820
  • WpVote
    Votes 196,668
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,089,239
  • WpVote
    Votes 187,570
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,607,536
  • WpVote
    Votes 596
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Alimpuyong Puso by AndreaCornilla
AndreaCornilla
  • WpView
    Reads 176,211
  • WpVote
    Votes 5,150
  • WpPart
    Parts 63
Pinamana kay Mary Jane Bueno ng kanyang yumaong lola ang kanilang ancestral mansion na noong Spanish Era pa nakatirik. Saksi ang lugar na iyon sa mga pinagdaanan niya sa buhay simula pagkabata. Subalit sa kanyang pagbabalik sa mansyon, hindi inasahan ni Mary Jane na sa ibang panahon pala siya dadalhin. Napadpad siya sa taong 1886, bilang Juana Maria Alcaraz Morales at asawa ang nangangalit na si Alvaro Morales na isang doktor. Sa pagbabalik sa lumang panahon, sa panahon na may pamahalaang Kastila at hindi niya nakasanayan-anong magiging papel ni Mary Jane doon? Anong mga lihim ang nakakubli na magdidikta sa takbo ng buhay niya? Title: Alimpuyong Puso Author: AndreaCornilla Genre: Historical Fiction Fantasy Romance Novel Status: Complete #AndreaCornillaAlimpuyongPuso