42years_in_hiding
- Reads 2,908
- Votes 71
- Parts 18
Sino ba ang fan dito ni Angel Locsin at Jericho Rosales?
Ang librong ito ay sinulat ko para sa idol kong si Angel.
Sana magustuhan niyo ang kwento ko.
This is a story about a woman who's being stood up on her wedding day.
Ang sakit nun di ba?
Bakit ba hindi sya sinipot ng groom?
Bakit nawala na lang ito bigla sa San Sebastian?
Bakit iniwan ng pamilya Villegaz ang hacienda nila?
Sa tindi ng sakit na naramdaman ni Alyssa sa araw ng kanyang kasal, wala na itong inisip kundi ang hanapin ang nobyo at maghiganti.
Subalit nagtatago na nga si Eric Villegaz. Ngunit sa kabila ng pagatatago ng nobyo ay may bagong lalaking dumating para magbigay ng pag-asa!
Si Justine Ponce.
At hindi lang pag-asa ang dala ni Justine, kundi napakarami pang sorpresa.
Ngunit sa lahat ng sorpresang iyon ay may isang napalaking sorpresang gigimbal sa lahat, ang magbabago sa kani- kanilang pagkatao.
Pagkatapos ng limang taon ay nagbalik si Alyssa at Justine sa San Sebastian para isakatuparan ang isang paghihiganti.
Ngunit hindi ito inaasahan ni Alyssa. Matutuklasan niya ang isang bahagi ni Justine na mag uugnay sa kanyang kahapon at hinaharap. Mabubuksan ang mga mata niya sa isang napakamasalimuot na sitwasyon hanggang sa muling paghaharap sa pamilya Villegaz.
Mananatili kaya ang galit sa dibdib ni Alyssa ngayong nakita muli ang taong umiwan sa kanya??