KimTaetae569261
Isang paaralan kung saan nagsanay ang pinakamagagaling na archer sa buong mundo ng Adarlan. Kilala ito sa disiplina, galing, at mga lihim na teknik na magagaling lamang ang nakakagawa.
Sa malayong bahagi ng Gubat ng Adarlan, may isang misteryosong babae na namumuhay mag-isa. Bihasa siya sa pana, mabilis, tahimik, at walang mintis ang bawat bitaw. Ngunit isang insidente ng pagnanakaw ang nagdala sa kanya sa pintuan ng Saphirro Academy hindi bilang estudyante, kundi bilang kapalit ng kalayaan.
Ano ang mangyayari sa isang babaeng pinasok sa paaralan, hindi dahil gusto nya kungdi kapalit ng kanyang kalayaan?.