Precious List
2 stories
Nakakabaliw, Nakakamatay (Published under PHR) by TriciaKye
TriciaKye
  • WpView
    Reads 38,206
  • WpVote
    Votes 779
  • WpPart
    Parts 10
"Sa puso ko, ligtas ka." Perfect ang buhay ni Harmony-mula sa pamilya, trabaho, at pati love life. Pero nagbago iyon nang iwan siya ng kanyang boyfriend para sa ibang babae. Buong buhay niya, minsan lang siyang nagpakawala at nagpakalasing para sandaling makalimutan ang pagiging brokenhearted. Pero noon din niya nakilala ang lalaking magiging daan para muling tumibok ang kanyang puso. Si Ryan Mendez. Nakilala ito ni Harmony sa kakatwang paraan. Sumakay siya sa taksing sinasakyan nito. Dahil lasing siya at hindi alam kung saan siya dadalhin, dinala siya ng lalaki sa bahay nito. Doon nagsimulang maranasan ni Harmony ang isang uri ng pag-ibig-pag-ibig na makulit, magulo, at complicated-sa piling ni Ryan. Natatakot siya-na baka muling mabigo. Pero mukhang seryoso si Ryan na mabingwit ang kanyang puso at dalhin siya sa harap ng altar. Nakumbinsi naman siya, handa nang muling sumugal sa pag-ibig, nang umeksena si Jessy, ang babaeng naging fiancée raw ni Ryan. Mukhang iiyak na naman si Harmony. For the second time, her heart was broken. But this time, it would take a long time for it to heal...
❤Posh Girls Series Book 3: Scarlet (Completed_published by PHR) by iamsapphiremorales
iamsapphiremorales
  • WpView
    Reads 75,672
  • WpVote
    Votes 1,536
  • WpPart
    Parts 12
"Mahirap ngang lunukin ang pride, pero mas mahirap kung mawawala nang tuluyan sa 'yo ang taong mahal mo." Matigas ang ulo, mapagmataas, tamad at mayabang. Lahat na yata ng negatibong ugali ay na kay Scarlet na. Hindi iyon nakapagtataka dahil lumaki siyang sunod sa layaw kaya hindi siya makapaniwala nang sabihin ng kanyang papa na ipapakasal siya nito sa isang kaibigan. Sino nga ba ang matutuwa kung kasing-edad ng kanyang papa ang lalaking pakakasalan niya? Pero mukhang buo na ang pasya ng ama ni Scarlet na ituloy ang plano kaya tinakasan ito ng dalaga. Kaya lang ay mukhang hinahabol siya ng malas! Mantakin mo ba namang maholdap siya at muntikan pang ma-rape? Mabuti na lamang at dumating ang kanyang knight in shining armor­-si Francis, ang dati niyang driver at bodyguard. Hindi niya makasundo ang binata pero wala siyang ibang choice kundi lunukin ang kanyang pride at magmakaawang tulungan ni Francis. At mukhang planong ibalik ng lalaki ang lahat ng mga ginawa niya rito noon. Ngayon ay ito naman ang nasa posisyon para pahirapan siya.