jane_mochi3
- Reads 267
- Votes 172
- Parts 12
Si Sachi Shannara Valyncia ay isang matalino pero lowkey na estudyante, hindi mahirap, pero hindi rin flashy. Simple lang siya, witty, at ayaw makisali sa kahit anong school drama o issues ng mga sikat.
Pero biglang pumasok sa eksena si Axel Ezekiel Alvaro, ang pinaka-misteryosong bad boy sa school. Tahimik, laging seryoso, at may titig na parang kayang basagin ang katahimikan ng buong classroom. Team captain ng basketball at laging pinagkakaguluhan... pero never nagpapakita ng interest sa kahit sino.
Hanggang sa dumating si Kairo Alvaro, bagong lipat, at ang pinaka-shocking? Kapatid siya ni Axel. Pero kabaligtaran niya: sweet, charming, at flirty. At unang araw pa lang, kay Sachi agad siya na-attract.
Bigla na lang nagbabala si Axel kay Sachi na lumayo kay Kairo. Pero hindi niya sinabi kung bakit. Habang unti-unting napapalapit si Sachi sa dalawa, mas lalo siyang nalilito. Hindi niya alam kung anong mas delikado - ang kilig kay Kairo, o ang tahimik pero intense na tingin ni Axel.
Pero habang tumatagal, unti-unti niyang nadidiskubre ang mga sikreto ng magkapatid - at kung bakit si Axel ang unang nagsimula ng lahat.
Nauna pala siyang protektahan ni Axel - hindi lang mula sa kapatid niya... kundi sa sarili niya mismo.