ememeow112's Reading List
3 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,170,815
  • WpVote
    Votes 1,322,013
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Si Sara (To be Published Din. Naks Talaga) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 2,505
  • WpVote
    Votes 147
  • WpPart
    Parts 1
Ang unang unang kwento kong isinulat way back 1st or 2nd year highschool pa. Parang bigla nalang pumasok sa isip ko na "Magisulat kaya ako ng istorya" out of the blue, kumuha ng lapis at kwadernong gulagulanit ang pabalat at nagsulat nang walang nakaplanong tema. Kung ano naisip ko, isinulat ko nalang. Medyo cliched, maikli, at madrama. Ewan ko nga ba bakit ko isinulat ito, dala ng emo-induced puberty phase siguro, pero nahalungkat ko lang uli at naisip kong ipost. May part 2 and 3 ito, pero wala na akong copy. Baka di ko narin ituloy, so kung natripan nyo ito, pagisipan ko kung dagdagan ko ule haha. Basahin nyo nalang. ;)
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 746,863
  • WpVote
    Votes 46,611
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!