MotonariMitsuMouri2's Reading List
2 stories
Talaan Tula (Book 2) by MotonariMitsuMouri
MotonariMitsuMouri
  • WpView
    Reads 237
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 62
Sa pagpapatuloy ng obrang ito, ang mga panulaan, tula, poem, o spoken poetry ay kumakatawan sa kulturang Pilipino, panitikan, at iba pa. Ang mga tema at pamagat ng mga tula ay orihinal na likha ng may-akda, na naglalaman ng katotohanan at imahinasyon-maaaring totoo, kuro-kuro lamang, o may pinaghuhugutan ng damdamin, paghanga, pagkainis, o paggiliw. Ukol sa mga pamagat sadyang kakaiba ngunit ang genre ay naduduon parin at taglay ang emosyon, giliw, galang, kilig at iba pa... Ang ilan sa mga tulang nailathala ay may iba't ibang anyo: malayang tula, may sukat at tugma (8, 7, 12 pantig), haiku na may tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5, at walang tugma, gayundin ang tanaga na may apat na taludtod, may tugma, at sukat na 7-7-7-7. Ginamit din dito ang iba't ibang pamamaraan ng pagsulat ng tula, mula tradisyonal hanggang moderno. Sa bawat album o koleksyon ng mga tula ng may-akda, karaniwang may hindi bababa sa walong pamagat. Ang unang aklat ng may-akda ay pinamagatang "666", na inilathala noong Bulawang Ani ng taong 2017-2018 sa Pamantasang EARIST, bilang requirement sa kaniyang major. Napabilang ito sa sampung mapangahas na aklat ng lipunan. Noong 2019, inilathala ito sa Wattpad upang mas mailapit sa mambabasa. Sa kasalukuyan, dito ipinagpapatuloy ng may-akda ang pagbabahagi ng kanyang mga tula-mga tulang maaaring basahin, maging inspirasyon at magpalawak ng isipan. #WagMagingTroll-paalala lamang na walang pinapanigan ang may-akda sa anumang bagay na inyong maaaring isipin; sa halip, hinihikayat ang malawak at mahabang pang-unawa. Ang ilang mga larawang ginamit ay kinuha mula sa Google, habang ang iba ay personal na kuha ng may-akda-ginamit bilang background o disenyo sa mga pamagat ng kanyang mga likha. Ngayon ito ay book 2 asahan nyo na mas lalo pa magiging kaakit-akit at hindik ang mga susunod na parating na tula, dahil mas pinalalim pa ang mga salitang ginagamit o di kaya salitang mula sa ibang probinsya.
Cathaleya by MotonariMitsuMouri
MotonariMitsuMouri
  • WpView
    Reads 46
  • WpVote
    Votes 7
  • WpPart
    Parts 7
Sa ilalim ng mapanlinlang na liwanag ng gabi, umusbong ang pangalan ni Cathaleya isang babaeng kasingganda ng bulaklak ngunit kasinglalim ng sugat na iniwan ng nakaraan. Sa bawat patak ng ulan, may kasamang paghingi ng tawad; sa bawat putok ng baril, may panata ng paghihiganti. Lumaki siya sa mga kamay ng mga madre, pinalaki sa pananampalataya, ngunit sinumpa ng kasalanan ng mundo. Ang kanyang mga magulang ay pinaslang ng mga terorista, at sa paglipas ng panahon, natutunan niyang yakapin ang dilim na minsan ay kinatatakutan niya. Sa ilalim ng alyas na "Ms. Quisto," naglakbay siya sa mga lungsod ng liwanag at kadiliman, taglay ang misyon na burahin ang mga pangalan sa listahan ng mga nagwasak sa kanyang buhay. Ngunit sa bawat pagkitil niya ng buhay, unti-unting nabubura rin ang kanyang pagkatao. Sa pag-usbong ng imbestigasyon ni Diego, isang matalinong opisyal na tila hinahatak ng tadhana patungo sa kanya, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilibing ng simbahan, ng gobyerno, at ng kanyang sariling konsensya. Habang papalapit ang dalawang kaluluwa sa isa't isa ang isa'y naghahanap ng katarungan, ang isa'y naghahangad ng kapatawaran mas lalong humahapdi ang tanong: Hanggang saan ang kabayaran ng paghihiganti, at may kaligtasan pa ba sa mga kamay ng makasalanan? Sa pagitan ng dasal at bala, ng dugo at ulan, sumisiklab ang kwento ng isang babaeng minahal ng gabi at kinatatakutan ng liwanag. Isang kwentong magpapatanong sa'yo kung sino talaga ang banal at sino ang demonyo.