RustyTerrado's Reading List
4 stories
NO STRINGS ATTACHED by cold_deee
NO STRINGS ATTACHED
cold_deee
  • Reads 511,767
  • Votes 19,604
  • Parts 50
-COMPLETED- CONTENT: [BxB] Romance / Comedy / Heavy Drama / Slice of Life Synopsis: Sa loob ng sampung taon na magkakilala, paano nabuo ang samahan nina Randy at Rigo na higit pa sa magkaibigan ngunit hindi nila mabigyan ng titulo? Si Randy Liam de Torres --- Matalinong tao kaya madaling naabot ang pangarap sa buhay na hinangad nito. Ngunit, sa kabila ng tagumpay ay iilan lamang ang nagmamalasakit dito. Iilang kaibigan lamang ang mayroon dahil sa hindi magandang pag-uugali nito. Mas ikinatutuwa niya kung siya ay isusumpa o kagagalitan. Pero sa kabilang banda, mayroon kayang nagtatago sa personalidad niyang ito? Mayroon kaya siyang mabigat na pinagdaanan sa buhay upang maging ganito? Kung mayroon man at atin iyong malalaman, patuloy pa rin kaya natin siyang kamumuhian? Si Rigo Silvestre --- Isang mayaman at tanyag sa larangan ng pagmomodelo at pagluluto. Iniidolo ng lahat dahil sa taglay na kababaang-loob. Maaari niyang makuha ang ano mang bagay o ang kahit sino kung gugustuhin lamang nito. Ngunit sa kanyang sarili, may isang bagay lang siyang gusto --- ito ay ang makuha at mapaibig ang taong sampung taon na niyang binabantayan dahil sa ito ang itinitibok ng kanyang puso. Tunghayan ang kanilang kwento na magbibigay kahulugan sa tunay na pag-iibigan. Saksihan ang samahang puno ng kulay tulad ng isang bahaghari na maaaring magbigay inspirasyon at magandang karanasan. Kilalanin si Randy na bida-kontrabida sa kwentong ito, at si Rigo na magpapa-ibig sa inyo. ***Side story po ito ng una kong isinulat na 'Taste of a True Love'. Pero maaari n'yo rin po itong basahin kahit hindi n'yo pa iyon nababasa. Salamat. HIGHEST ACHIEVEMENT RANK IN ROMANCE CATEGORY: #185 GENERAL FICTION: #82 Started: December 2016 Completed: December 2017
DUYAN by cold_deee
DUYAN
cold_deee
  • Reads 24,742
  • Votes 1,458
  • Parts 15
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ] Synopsis: Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito rin ang mabisang daan upang tayo ay makakuha ng aral. Pero paano kung ang resulta ng mga pagkakamali sa nakaraan ay madadala na natin habang-buhay? Isang halimbawa na lamang ang nangyari kay Rex. Dahil sa pagiging mapusok at mapaglaro ay nakuha nito ang isa sa mga itinuturing na pinakamatinding sakit sa mundo. Hindi niya ito matanggap. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas. Pinili na lamang niyang sumuko lalo na at tinalikuran na siya ng lahat. Ngunit sa kalagitnaan ng pakikibaka niyang iyon, dumating naman ang isang taong handa siyang tanggapin sa kabila ng kanyang kondisyon ---- si Alexis. Ano-ano pa kaya ang magiging papel nito sa buhay ni Rex? Sinadya ba ito o itinadhana? Pinagtagpo ba sila upang may mabuksang isipan? Nangyari rin ba ang pagkikita upang ang isang pangarap ay mabigyan ng katuparan? Tunghayan ang isang kuwentong maaaring magmulat sa atin sa reyalidad. Alamin ang pinagdadaanan ng mga taong nabibilang sa itinuturing ng marami na nasa ibang komunidad. Kilalanin sila at bigyan ng pagkakataon na sarili nila ay maihayag. COMPLETED: MAY 2018 PUBLISHED: AUGUST 12, 2018
Ako si Jeffrey Dy  (A CHINITO Book II) by ZefPenya
Ako si Jeffrey Dy (A CHINITO Book II)
ZefPenya
  • Reads 9,819
  • Votes 363
  • Parts 28
Paalala: Ang mga tauhan, lugar at mga pangyayari sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatugma sa mga totoong tao, lugar at sa mga pangyayari ay maaaring nagkataon at hindi sinadya ng may akda. Ang Ikalawang Aklat ng CHINITO. Tinatawag si Jeff na isa sa mga matagumpay at pinakabatang negosyante sa kanyang kapanahunan, dahil iniwan sa kanyang ang pinakamalaking porsyento ng negosyo ng kanyang ama na si William. Sa bagong yugto at bagong responsibilidad na dumating sa kanyang buhay, makakayanan niya ba itong harapin? Makikita niya ba sa wakas ang magmamahal sa kanya? Tunghayan muli ang nakawiwili at mala-teleserye na buhay ni Jeffrey Dy.
Tattooed Scars (boyxboy) by ZEL_Books
Tattooed Scars (boyxboy)
ZEL_Books
  • Reads 30,920
  • Votes 576
  • Parts 14
[WARNING! THIS STORY IS NOT FOR THOSE WHO ARE EASILY DISTURBED | STRONG LANGUAGE | SEX | PSYCHOLOGICAL HORROR | MENTAL SHUTDOWN | SELF-HARM | PSYCHOTIC BEHAVIOR | R-18] IMPORTANT NOTICE: This story was made a year ago without experience in the fields of creative writing. Expect some holes (in the plot) and underdeveloped content. Thank you. Sa bawat pagsubok lalo na kapag mag-isa ka na lamang... sadyang hindi mo maiiwasan maitanong ang sarili mo na, "May halaga pa ba ako?", o kaya naman, "May nagmamahal pa ba sa akin?" Isa sa biktima nito ay si Irvin Alacazar, "Depression is not something you cannot joke about." ayon sa kanya. Minsan na siya sinabihan dahil sa kanyang mga tattoo sa kanyang katawan ayon sa school, sinuspend siya at maaari lamang siya bumalik kapag naipatanggal na niya ang kanyang mga tattoo sa katawan. Dahil sa isang proyekto sa club, nautusan si Lazaro Alférez, o kilala bilang si Laz, na puntahan mismo si Irvin sa kanyang tahanan. Isang linggo na lamang ang meron si Irvin bago siya ma-drop out mula sa eskuwelahan, ano naman kaya ang paraan na maibabahagi ni Laz para maligtas si Irvin?