rrieyepleS
Si Janaya Marrie, sanay nang itago yung gusto niya. Mas madaling magpanggap na okay lang, na kontento na sa tahimik na buhay, kaysa aminin na may kulang pa rin.
Tapos bumalik si Zaell Mendez.
Si Zaell, yung childhood best friend niya. Yung kasama niya sa lahat-sa kalokohan, sa iyak, sa mga gabing akala niya wala nang bukas. Dati, madali lang. Si Zaell lang 'yon. Walang iba.
Pero ngayon, ibang klase na yung pagtingin niya. Isang ngiti pa lang ni Zaell, namumula na siya. Isang "Miss na kita" lang, parang bumibilis yung mundo niya.
Problema lang, nandiyan si Jemrion Casa.
Si Jemrion, yung bago. Yung mabait, yung consistent, yung akala ng lahat ay siya na yung "safe choice" para kay Janaya. At sa totoo lang, minsan kinukumbinsi niya sarili niya na oo, baka si Jemrion na 'yon. Kasi si Zaell... si Zaell ang pinakanakakatakot habulin. Paano kung masira yung pagkakaibigan nila? Paano kung malaman ni Zaell, at wala nang babalikan?
Kaya ngayon, nasa isang walang pangalang habulan si Janaya.
Hinahabol niya yung kilig na hindi niya kayang ipaliwanag kay Zaell.
Tinakasan niya yung guilt na baka nasasaktan niya si Jemrion.
At mas lalo niyang tinatakasan yung takot na baka huli na-kasi matagal na pala siyang nahuhulog sa taong akala niya best friend lang.
Pero sa unang pagkakataon, hindi na siya tumatakbo palayo.
Genres: Young Adult | Action | Mystery | Family Drama | Fiction