lycopenelover
- LECTURAS 2,226
- Votos 398
- Partes 35
Planado na sana ang buhay ni Lorenzo Ilustre, hanggang sa bigla niyang kinailangang lumipat ng school sa probinsya para sa kaniyang huling taon sa high school. Sporty, academic achiever, gwapo pero misteryoso at suplado---at higit sa lahat, 100% straight since birth. Ang tanging goal lang niya sa bagong school? Ang maka-graduate nang tahimik.
Kaso, naging seatmate niya si Dionisio Galvez. Isang maingay na social butterfly na walang ibang inambag sa P.E. class nila kundi maglaro ng ganda-gandahan. Hindi man siya biniyayaan sa acads, alam ni Dionisio kung ano ang gusto niya. At bilang isang loud and proud na bakla, target locked na siya sa bagong transferee.
Araw-araw, walang ginawa si Dionisio kundi guluhin si Lorenzo gamit ang mga handwritten notes at walang-kapagurang pagpapapansin. Hanggang sa hindi namamalayan ni Lorenzo, naging bahagi na ng araw-araw na routine niya ang makulit na presensya nito.
Pero paano kung isang araw, biglang tumigil si Dionisio? Sa biglaang pagkawala ng nag-iisang "glitch" sa tahimik niyang mundo, paano tatanggapin ng isang straight na lalaki na nawiwindang ang buong pagkatao niya dahil lang sa pagkawala ng taong bumulabog sa tahimik niyang buhay?
Copyright © 2026 All Rights Reserved