phr.
6 stories
Maybe Someday (Published under Precious Hearts Romances) by KimberlyLace
KimberlyLace
  • WpView
    Reads 158,271
  • WpVote
    Votes 2,464
  • WpPart
    Parts 10
My very first approved novel from Precious Hearts Romances. "Ayokong marinig mula sa iyo na hindi mo na ako mahal." Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik si Cassandra sa Pilipinas para pagbigyan ang hiling ng kanyang amang may sakit. Sa pag-uwi niya ay nagkrus uli ang mga landas nila ni Anton Santillan. Hindi niya inakalang sa pagtatagpo nilang iyon ay gigisingin nito sa kanya ang isang damdaming pilit niyang kinalimutan-isang batang pag-ibig na nagdulot sa kanya ng ibayong sakit ng kalooban na siyang dahilan ng pag-alis niya sa bansa. Sa pag-uwi rin niyang iyon ay may natuklasan siyang isang bagay na gusto niyang pagsisihan: a child's play that ruined her chance at happiness. Magagawa pa ba niyang itama ang mga maling nagawa niya at bawiin ang pusong minsan ay naging pag-aari niya?
One And Only by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 59,423
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 12
"Wagas" ang pinakatamang salita para ilarawan ni Almond ang pagsinta, pagmamahal, at "pagnanasa" niya kay Peedy. Bata pa lang ay ito na ang nakikita niyang lalaki na nararapat para sa kanya. Pero taliwas iyon sa nararamdaman sa kanya ng binata. Lalo pang na-frustrate si Almond nang sa mismong bibig ni Peedy manggaling na gusto na nitong magpakasal sa longtime girlfriend nito na si Tiffany. Natuyo na yata ang utak niya sa kakaisip ng paraan para hindi matuloy ang binabalak ni Peedy na pagtatapat sa nobya nito. Pero tadhana na rin ang umayon sa kanya. Nagawa niyang pigilan ang kasal. Pero ang hindi niya inasahan ay ang kapalit ng pagpayag ni Peedy sa pagpapakasal sa kanya at ang lalo pang paghihirap ng puso niya.
Forever Yours (edited version) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 176,554
  • WpVote
    Votes 3,451
  • WpPart
    Parts 16
Published under PHR 2015 "I've been through hell every passing day without you." Si Tristan ang lahat ng "first" sa buhay ni Beryl: first romance, first kiss. Ito rin ang unang lalaking pinag-alayan niya ng sarili. But the irony of it all, he also gave her her first heartbreak. Years later, just when Beryl had finally picked up the broken pieces of her heart, Tristan came barging into her peaceful life again, threatening to take back what he believed were his-her body, her heart, and her soul. "You belong to me, Beryl. And I always get what is mine!" The nerve of this guy! Her mind was telling her not to surrender herself to him again, but her heart said otherwise...
A CHILDHOOD PROMISE (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 169,319
  • WpVote
    Votes 3,007
  • WpPart
    Parts 20
"I want you to think of me every minute, every hour, every day. I want you to think of just me, wala nang iba. Kasi... kasi ikaw lang din ang nasa isip ko mula pagkagising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko." Pitong taon nang umiibig si Andrea sa college professor niyang si Erik. At kahit dalawampu't limang taon ang tanda nito sa kanya, hindi naging hadlang iyon upang umasa siya na balang-araw ay mamahalin din siya nito. Hindi rin niya inilihim dito ang nararamdaman niya. Ginawa niya ang lahat upang mapansin siya nito. Naging ganoon ang buhay niya hanggang sa bumalik sa bansa ang kanyang ina at ipagpilitan siyang makipag-date kay Misael, ang architect na nakilala nito sa France. Pinagbigyan niya ang mommy niya dahil naniniwala siyang kahit sino ang ipa-date nito sa kanya ay hindi magbabago ang nararamdaman niya. Pero hindi pala niya mapapanindigan iyon dahil dalawang linggo pa lang silang nagkakasama ni Misael ay nahulog na ang loob niya rito. At hindi nagtagal ay naging nobyo na niya ito. Malinis daw ang intensiyon ni Misael sa kanya at upang patunayan iyon ay ipinakilala siya nito sa mga magulang nito. At ganoon na lang ang pagkagulat niya nang matuklasan niyang ang ama nito ay walang iba kundi si Erik!
MY ULTIMATE LOVE STORY (COMPLETED) by athenadelara
athenadelara
  • WpView
    Reads 275,456
  • WpVote
    Votes 4,980
  • WpPart
    Parts 39
"Kahit kailan, hindi naging mali ang magmahal. Maaaring magmamahal tayo ng maling tao, o magmamahal sa maling pagkakataon, pero kahit kailan ay hindi naging mali ang pagmamahal." Si Samantha ay fresh out of college at nagtapos ng MassCom. Isang TV station lang ang gusto niyang pagtrabahuhan kung saan doon nagtatrabaho ang idol niyang si Anthony. Si Anthony de Dios ang sikat na host ng isang kilalang morning show sa TV. Tall, dark, handsome, pinagpapantasyahan ng maraming chicks, at ngayo'y may "sex video" scandal. Pero, bale-wala iyon kay Samantha. Hindi siya naaapektuhan. "Idol, 'wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. 'Wag kang mag-alala! Kahit ano pang kontrobersiya ang kasangkutan mo, ikaw pa rin ang idol ko! Handa akong ipagtanggol ka sa mga mang-aapi sa 'yo!" Ganyan ka-dedicated si Samantha kay Anthony dahil alam niya, at sigurado siya, na sila ang nakatadhana para sa isa't isa. At ngayong naging trainee na siya sa mismong TV show ng lalaki, gagawin niya ang lahat para maging boyfriend si Anthony. Pero hindi pala gano'n kadaling mahalin ang isang Anthony de Dios, dahil bukod sa nakasalalay ang puso niya (na maaaring masaktan), may nagtatangka na rin sa buhay niya dahil sa pakikipaglapit niya sa binata.
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed) by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 121,657
  • WpVote
    Votes 3,955
  • WpPart
    Parts 37
Para kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fateful night. Nalaman niyang ito ang bunsong anak ng may-ari ng TGF. He was the black sheep of the family. But for her, Icko was her falling star. Ito ang bumuhay sa pangarap niya na inakala niyang hindi na mabibigyang-katuparan pa. He saw right through her and believed in her when no one else did. He said she deserved all the beautiful things life had to offer. Suddenly, he became another dream her heart wished to fulfill. Ngunit sa pagkakataong iyon, mukhang dibdibang paghiling sa isanlibong bituin ang kailangan niyang gawin para matupad iyon dahil kay Rachel, ang babaeng nagmamay-ari sa puso nito...