chelayyyy
- Reads 1,152
- Votes 107
- Parts 10
May mga lihim na kay bigat na hindi kayang buhatin ng isang tao mag-isa. Para kay Claire Ann Bridgette Mendez, ang lihim na iyon ay hindi basta hika o simpleng karamdaman-ito ay isang sakit na matagal nang nagkukubli sa likod ng ngiti niya. Isang lihim na alam lamang ng kanyang ina, at isang lihim na magpapabago sa lahat ng kanya'ng relaskyon, sa trabaho, at sa puso niya.
Hindi niya alam na sa pagdating niya sa bagong mundo-sa bagong trabaho, sa mga tao'ng nakapaligid sa kaniya, at sa dalawang lalaki'ng minsang naging bahagi ng kanyang kabataan-may mga puwersa siyang hindi pa naiintindihan na magtatangkang sirain ang tiwala at pagmamahal niya. Sina Dylan at Hades, pareho'ng may sariling lihim, parehong may damdaming hindi niya batid, at parehong haharap sa mga hadlang na labis sa inaasahan ng sinuman.
Sa bawat ngiti, bawat titig, bawat salitang binibitawan ng dalawang lalaki, may nakatagong laro na masalimuot at mapanganib. May mga desisyon na magtataboy sa kanya sa landas ng kalungkutan, at may mga panahong makakaramdam siya na iniwan siya ng mundo, kahit na ang nagmamahal sa kanya ay naroroon lamang, nakatayo sa dilim ng mga lihim.