greinder03
Ang mundong hindi kailanman matatawag na ganap, nananatiling hilaw na kasaysayan at madilim na nananatiling sekreto sa mundo ng mga starhunt. Isang kasaysayang patuloy pang hinuhubog ng karamihan kahit dugo, pawis, at ambisyon pa ang kabayaran.
Isa itong daigdig kung saan ang lakas ay hindi basta ipinagkakaloob, kundi pinaghihirapan, ipinaglalaban, at kadalasang ipinagkakait ng tadhana.
Dito, bata man o matanda, mahina man o malakas, iisa ang pangarap ng karamihan: ang makamit ang lakas mayroon ang isang Starhunt Emperor.
Hindi isang karaniwang titulo, kundi isang ranggong kinikilala ng buong mundo, ang Starhunt Emperor, na hinahati sa iba't-ibang antas. Ang bawat antas ay sumisimbolo hindi lamang ng lakas, kundi ng karanasan, katalinuhan, at kakayahang mabuhay sa mundong dugo ay siyang puhunan ng kalakasan.
Ngunit ang pangarap ay nananatiling pangarap para sa nakararami.
Karamihan sa mga nilalang ay hindi kailanman nakalampas sa pinakamababang uri-ang ranggong tinatawag na Starhunt I (Warrior Badge.) Isang antas na kumakatawan sa mga taong may tapang ngunit kulang sa kakayahan, determinasyon, o pagkakataon upang umangat.
Sa mundong ito, hindi sapat ang kagustuhang lumakas; kailangan ng likas na potensyal, wastong landas, at matibay na loob upang magpatuloy kahit paulit-ulit nang binabasag ng realidad.
Marami ang isinilang na walang kakayahang lumakas. May ilan namang may potensyal, ngunit piniling sumuko. At mayroon ding iilan-napakakaunti-na handang tahakin ang landas ng panganib, kahit kapalit nito ay ang kanilang buhay.
Ito ang mundo kung saan sinusukat ang tao hindi sa kan'yang pangarap, kundi sa kanyang kakayahang ipaglaban ito.
Isang mundong naghihintay sa susunod na nilalang na magtatangkang suwayin ang hangganan ng pagiging malakas-at hamunin ang tadhana upang maging higit pa sa isang kwentong isinulat ng sinasabing nakatataas.
♠ STARHUNT EXAM ♠
Join Now!