Kapitan_Esteban
"Hinding-hindi ka makakalabas sa islang ito,"
nakangising sambit ni Kallias habang dahan-dahang humahakbang palapit sa akin.
"Anong ibig mong sabihin? Please lang, huwag kang lumapit!"
nangangatog kong sagot. Ramdam ko ang matinding takot, lalo na't sinabayan pa ito ng malamig na simoy ng hangin. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang paatras akong lumalayo, hanggang sa mapagtanto kong wala na pala akong matatakbuhan.
"Simple lang naman ang request ko Arren. Kung papayag ka sa kasal na ino-offer ko, malaya kang makakapasok at makakalabas sa isla namin. You'll get all the privileges bilang asawa ko,"
nakangiti at tila kumpiyansa pa niyang wika. Proud pa talaga siya sa sinasabi niya, samantalang ako'y nangingilabot sa kakaisip kung paano makakatakas mula sa lalaking ito.
Hindi ko inakala na ang planado kong pagbisita sa matagal ko nang kaibigan na si Namya ay hahantong sa ganitong sitwasyon. Akala ko, isa lamang itong simpleng bakasyon. Pero ngayon, pinagsisisihan ko na kung bakit ko pa naisipan ang bakasyon era goal na ito.
Uuwi pa ata akong isang bangkay.
Pero kahit bangkay ko siguro, hindi na makakauwi.
Dahil sa islang ito, walang nakakalabas kapag natuklasan mo ang kanilang tinatagong sikreto.