karayunnies
- Reads 4,686
- Votes 74
- Parts 4
Si Celine - palatawa, palakaibigan, at pinakamabait sa barkada.
Hanggang isang araw, walang balita, walang tawag, walang mensahe mula sa kanya.
lumipas ang mga linggo - hindi na siya muling nakita.
Parang bula siyang naglaho.
Hanggang sa unti-unti na silang nawalan ng pag-asa.
Sa simula, iniisip ng lahat na baka lumayas lang.
Pero habang tumatagal, nagbabago ang ihip ng hangin.
May nagsimulang magtanong.
May nagdududa.
May nagsisihan.
"Patay na 'yon."
"Ano bang meron na hindi namin alam?"
"Baka naman sinaktan siya ng isa sa atin?"
"O baka naman... isa sa atin ang may gawa?"
Ang grupo ng matatalik na magkaibigan ay unti-unting nagkawatak-watak.
May nagkasakitan.
Mga dating tawanan, ngayon ay usapan ng hinala.
Sa bawat pagpatak ng oras, lumalabas ang katotohanang hindi nila inaasahan.
Sa bawat pagbagsak ng katahimikan, may nadaragdag na bangungot.
isa-isang nabubunyag ang mga sikreto.
May mga lihim na ayaw aminin.
May mga inggit, tampo, at galit na matagal nang kinikimkim.
Hanggang sa isa-isa silang napupunta sa dilim.
At ang tanong, muling bumabalik,
isa ba sa kanila ang may gawa nito?
O baka... may mas matagal nang nagmamasid sa kanilang lahat?
at sa gitna ng lahat ng ito...
may isang taong nananatiling tahimik.
Nakamasid.
Naghihintay.
Laging nakikinig.
Laging nandoon.
Hindi nila alam,
ang sagot sa tanong...
ay nasa mismong tabi lang nila.
minsan, ang pinakatahimik, sila pala ang may pinakamatinding sigaw sa isip.