casacali
- Reads 1,027
- Votes 198
- Parts 59
I. Hindi Masama [Ikaw]
Mahilig ako sa pelikula. Wala lang, pampawala ba ng art block. 'Rang gago kasi minsan, ano? Sino ba kasi nagpasimuno n'ong art block? Mabuti na lang naimbento ang mga palabas. Maganda sa paningin. P'wede mong pagku'nan ng inspo.
Pero meron talagang isang pelikulang tumatak sa akin, eh. Ang sabi kasi roon, sa bansang pinanggalingan niya, may paniniwalang nagsasabing hindi dumadapo ang mata mo sa mata pa ng isa-ang manggas mo sa balat nang isa-nang dahil wala lang. Malay mo nagkita na pala kayo nung nakaraan mong buhay kaya ngayon, pinagtagpo uli kayo nang may mas. . .makabuluhang dahilan. Nung una hindi ko ma-gets 'yan, pero dahil naging paborito ko iyong pelikulang 'yan, nakabisa ko na rin yata ang bawat linya.
Tangina, tadhana lang pala.
Eh kaso sa tunay na buhay, hindi naman ako naniniwala r'yan. Ika ko nga, destiny is damned.
Pero minsan hindi ko rin maiwasang maisip na baka pinagtagpo na tayo ng tadhana noon.
At malay mo . . .
Malay mo lang naman.
Makabuluhan ang tayo ngayon.