Jellyfishyako
- Reads 196
- Votes 174
- Parts 25
Sa mundong puno ng kompetisyon at sakripisyo, may mga estudyanteng handang gawin ang lahat para lang makapagtapos ng kolehiyo. Isa na rito si Joshua Chua, isang working student na napilitan pumasok bilang motor ride-hailing driver upang matustusan ang kanyang mga bayarin at pangangailangan sa araw-araw.
Sa bawat biyahe niya, hindi lang trapiko at init ng kalsada ang kalaban niya, kundi pati mga pasaherong may kanya-kanyang kwento at ugali. Hanggang isang araw, muling pumasok sa buhay niya ang taong pinakaayaw niyang makita-si Lean Cruz, ang taong minsan niyang minahal ngunit iniwan siya sa gitna ng kanilang relasyon para sa iba.
Ngayon, bilang pasahero at madalas na kliyente, magiging bahagi muli si Lean ng mundo ni Joshua. Pero ang tanong-babalik ba ang apoy ng pagmamahalan, o ito'y magiging laban ng galit at paghihiganti?