ihideyou
- Reads 226
- Votes 24
- Parts 10
"Binibining nakatago sa kislap ng mga tala, isang hiwagang animo'y inililihim ng kalangitan."
Nakatakdang ikasal si El Cielo kay Florencio Villafuerte, ang lalaking unang nasilayan niya sa mismong araw ng kanyang kaarawan. Ngunit sa halip na pag-ibig at kasal ang maging hantungan ng kanilang pagkikita, kamatayan ang kanyang sinapit sa mismong kamay ni Florencio.
Pagmulat ng kanyang mga mata, nagulat siyang buhay pa siya ngunit nasa taong 2025 na siya. Sa isang modernong mundong banyaga sa kanya, nakilala niya si Lorenzo Villafuerte, isang lalaking kamukhang-kamukha ni Florencio ngunit may pusong malamig at sarado sa pag-ibig.
Habang pilit niyang hinahanap ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkamatay, unti-unti namang nahuhulog ang kanyang puso kay Lorenzo.
Ngunit paano kung ang pag-ibig na kanyang nadama ang siyang dahilan ng panibagong kapahamakan? Sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, kanino nga ba talaga siya itinadhana?